-Leonardo POV-
"Pinapatawag mo daw ako, dad?" bungad ko pagkapasok ko sa office ni dad.
Sinulyapan nya lang ako saglit tsaka bumalik sa pagtipa sa laptop nya.
"Have a sit son," ani nya.
"Bakit mo ba ako pinatawag?" tanong ko saka umupo.
"Are you still interested to that Sitio Emerald?" tanong nito.
Natigilan ako bigla.
"Why?" tanong ko pabalik.
"Answer my question first. Yes or no," ani ni dad.
"Of course, yes. Hindi nawala and interes ko sa lugar na yun," nakangiti kong sagot.
...because that place reminds me of her, my first love.
"Okay then, it's yours now," sabi ni papa na ikinabigla ko.
Well I'm expecting it naman na ibibigay yun sa akin ni dad Pero hindi ko inaasahan na ganito kaaga nya sa akin ibibigay.
"Po?" takang tanong ko.
Tumigil sya sa pagtipa tsaka nangingiti na tumingin sa akin.
"Finally, I heard that word coming from you.." ani nya referring to my 'po'.
Hindi ako nagsalita. Kunot-noo ko lang syang tinitigan habang hinihintay ang sunod nyang sasabihin.
"This is the second time you show respect on me...kailangan ba na kapag may ibibigay ako sayo saka mo lang ako igagalang?" tanong nito.
"Enough with nonsense. Bakit nga pala sa akin mo ibibigay yung lugar na yun? Diba si kuya Sebastian ang tagapagmana mo, bakit hindi na lang sa kanya? O kaya kay Valerie, diba sya ang paborito mong anak? Bakit hindi ka na lang mamili sa dalawa kong kapatid?" tanong ko.
Tinitigan ko sya sa mga mata.
"Diba silang dalawa lang naman ang napapansin mo. In this house, I am just a wind, hindi napapansin...binabalewala," ani ko.
Umiwas ako ng tingin. This is the first time I opened up about my feelings. Ang sakit lang kasi anak nya rin naman ako pero kung itrato ako dito sa bahay parang wala lang? Am I a ghost?
"I see," ani ni dad.
Tumayo ako bigla. Being in this place suffocate me.
"Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na ako," paalam ko.
"Wait..." pigil nya sa akin.
I stopped halfway. Hindi ko sya nilingon.
"Alam kong may hinanakit ka sa akin bilang magulang mo but please do understand the situation..." lintanya ni dad.
"Understand? Bakit kailangan na ako ang palaging umunawa sa inyo? Paano naman ako? Bakit kailangang ako yung palaging mag-adjust sa pamamahay na 'to?" tanong ko.
"Dahil sa inyong magkakapatid, ikaw ang pinaka-special..."
"Special?" takang tanong ko tsaka sya nilingon. "What do you mean?" tanong ko ulit.
May superpowers ba ako? Tsk!
Umiling sya.
"Nothing. Just like what you said awhile ago, anak din kita. So I guess that's enough reason para ipangalan ko sayo ang lugar na alam kong malapit sa puso mo," ani no dad saka ngumiti.
"Paanong..."
May alam ba sya?
"I am your father after all. Alam ko ang mga nangyayari sa inyo kahit hindi ko kayo tanungin. So stop comparing yourself or questioning kung paano ko kayo itrato na magkakapatid. Yes, magkakapatid kayo, but always remember this anak, you all born different from each other. You all have your own weakness and strength," ani ni papa.
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomanceAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...