-Jane POV-
"Ito na ba yun?" tanong ko kay Vladimir pagkababa namin sa kotse nya.
Madilim na sa paligid. Sa tingin ko mga nasa alas-onse na nang gabi.
Sobrang liblib ng lugar. Napapalibutan ito ng matataas na kahoy. Sa gitna ng kakahuyan, nakatirik ang isang simpleng bahay.
"Oo...halika na bilis! Masama ang kutob ko," ani ni Vladimir saka tumakbo papunta sa maliit na bahay.
Binalingan ko ng tingin si Darius.
"Maiwan ka muna dito. H'wag kang lalabas ano man ang mangyari, naiintindihan mo?" tanong ko.
"Opo, ate," sagot nito.
Akmang susundan ko na sana si Vladimir ng pigilan ako ni sir Houston.
"Mas mabuti siguro kung samahan mo dito si Darius," ani nya. Kinunutan ko sya ng noo. "...delikado sa loob," dugtong nito.
"Wala akong pake kung mapahamak ako. Ang importante sa akin, makuha natin si Dhalia ng ligtas," ani ko saka sya tinalikuran.
"Kung ikaw natatakot, mas maigi nang samahan mo si Darius dito," ani ko saka sumunod kay Vladimir.
"Takot akong mapahamak ka..." I heard him murmured something pero di ko na gaanong naintindihan.
Pagkapasok ko sa loob, halos mabingi ako sa sobrang katahimikan. Tanging yung kusina lang ang may ilaw.
Nasaan si Dhalia?
Tatlong kwarto. Meron ditong tatlong kwarto. Nakita ko naman si Vladimir na biglang lumabas galing sa kusina.
"Wala naman secret door sa buong bahay. I guess nasa loob sila ng isa sa mga kwartong yan," ani nya.
Sabay kaming naglakad sa unang kwarto. Maingat ang mga hakbang na ginawa namin kasi baka may mga patibong na nilagay sa paligid.
Pagbukas namin, bumungad sa amin ang isang malinis na kwarto. Pumasok kami sa loob. We searched for cabinet at doon namin nakita ang mga damit pang babae.
"This would be the room of Dhalia," ani ni Vladimir.
Wala kaming nakitang kahit na Anong damit pang lalaki so I guess, mag-isa lang si Dhalia sa kwartong to.
Vladimir checked the restroom pero wala doon si Dhalia.
Kinabahan ako bigla.
"Paano kung natunugan tayo? P-paano kung umalis na pala yung dumukot kay Dhalia tapos dinala na naman sya sa ibang lugar? P-Paano kung----"
Vladimir held both of my shoulders.
"Clam down, Jane. Iisang kalsada lang ang meron sa lugar na to. Kung umalis man sila, dapat nakasalubong natin sila. Pero wala. Wala tayong nakasalubong ni isang sasakyan palabas galing dito. I also checked the whole house maging sa likod...walang bakas na may umalis. Maybe Dhalia and her abductor ay nasa isa sa dalawang kwartong natitira," lintanya ni Vladimir.
I heaved a sigh.
Kinakabahan ako para kay Dhalia.
"Hindi tayo uuwi hanggat hindi natin nakikita si Dhalia," ani ulit nito saka ako hinila palabas ng unang kwarto.
Sunod na kwarto naman ang binuksan namin. Madilim. Sobrang dilim.
Kinapa ko ang pader para hanapin ang switch at nang mahanap ko na ito, I turn on the lights at halos magimbal ako sa nasaksihan ko.
"A-A-A-Anong---"
Tinakpan ni Vladimir ang mga mata ko sabay sara ng pinto. Hindi na kami nakapasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomanceAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...