Chapter 5: You Are Mine!

673 14 0
                                    

--3rd Person POV-

"Boss,  nandito na po si Ms. Lianna," ani ng isang kasambahay sa lalaking nakatanaw sa bintana. Mula sa kinatatayuan nya,  tanaw nya ang sasakyan na kinalalagyan ng kanyang magiging asawa.

"Papunta na ako," malamig nyang sagot dito.

Nakarinig naman sya ng yabag na papaalis. A smile formed on his lips.

"The long wait is over. Magiging akin ka na," ani nito sa sarili.

"Saan ka na naman kuya pupunta?" tanong ng kapatid nito na si Valerie pagkalabas nya ng kwarto.

"Pupuntahan ang asawa ko," nakangiti nitong turan.

"Oh,  may asawa ka na pala," ani ng isa pang boses.

He turned his gaze to his brother. Biglang nangasim ang mukha nito pagkakita sa kapatid.

"Talent mo talaga ang sirain ang araw ko,  Leonardo," ani nya sa kapatid.

Nakapamulsang naglakad palapit sa kanya si Leonardo habang nasa likuran naman nito si Valerie.

"I was born to pissed you off,  brother," ani ni Leonardo sa kanya.

"By the way,  may bisita ka yata sa labas," ani pa nito saka ngumisi.

Naikuyom nya ang kamao nya.  Alam nya na may binabalak na naman ang kapatid nya. Sa lahat na bagay na ginagawa nya,  ang kapatid na si Leonardo ang palaging sagabal.

"Try to mess with me this time,  maaga mong makikita si Satanas," malamig na turan nito sa kanya.

"Relax lang kuya,  Valirch Sebastian Alejo,  I'm not interested to that woman," ani ni Leonardo.

"At tinawag pa ako sa buo kong pangalan," ani nya.

-Dhalia POV-

Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong humahaplos sa pisngi ko.  Nang imulat ko ang mata ko,  kisame agad ang bumungad dito.

Teka----

Agad akong napabangon. Hindi ganito ang kisame nina Jane maging ang kisame namin sa bahay.

Nasaan ako?

Napasapo ako sa noo ko.  Huling pagkakaalala ko, nasa park ako tapos hinihintay ko si Jane tapos biglang...

Geeeezzz...

"Am I b-being abducted?" tanong ko sa sarili ko.

"Hi,  love..."

Tumigil ang tibok ng puso ko nang marinig ang pamilyar na boses.
Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko.

I saw a man sitting right next to me.  Naka-sando lang sya na kulay puti.

"S-sino ka?" utal na tanong ko dito.
"Nasaan ako?" tanong ko pa.

Iniusog nito ang upuan nya dahilan para umosog ako palayo.

"Awww nakalimutan mo agad ako?" seryosong tanong nito.

Kinunotan ko sya ng noo.
Pinagsasabi nito?

"Baliw ka ba?!" inis na tanong ko rito.

"I'm crazy over you," nakangiting turan nito.

Sheemss... Nakakakilabot naman ang mga ngiti nya.

"I'm Valirch Sebastian Alejo," saad nito.

Did he just say 'Alejo'?

"A-Alejo?" utal na tanong ko.

Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon