Chapter 12: The Punishment [R-18]

493 11 2
                                    

A/N:
This chapter contains some violence and inappropriate words/phrases, and some scenes maybe kinda disturbing,  so if you were sensitive,  kindly skip this chapter but don't worry because I will do some recap in the next chapter for those readers who skipped this part.

AGAIN....

Ang chapter na ito ay hindi pwede sa mga BATA!!!! 

Thank you!!!

*****


[WARNING: MATURED CONTENT]

-Dhalia's POV-

NAALIMPUNGATAN ako nang may naramdaman akong humahaplos sa pisngi ko.  Isama na rin ang lamig na bahagyang dumadampi sa balay ko.

Ba't parang ang lamig naman masyado?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.  Curious kung sino ang humahaplos sa pisngi ko at kung saan galing ang lamig na nararamdaman ko.

"You're finally awake,  wife..."

That voice...seems so familiar.

Simula ng imulat ko ang mga mata ko,  pakiramdam ko umiikot ang mundo ko.  Bakit ako nahihilo?  Teka,  lasing ba ako kagabi?  May hangover ba ako?  Pero...

Ohmygosh...

Hindi ako lasing! Paano naman kasi ako malalasing kung huli kong naaalala ay kasama ko sina Jane at Vladimir. Hindi sila umiinom.

"Alam mo ba na masyado mo na talaga akong pinapahirapan, hmm?" ani ulit ng boses. Medyo pamilyar yung linya nya.

Pinilit kong ibukas ang isa kong mata.  Medyo blur pa kaunti. Bahagya akong umiling para kahit papano ay maalog ang utak ko nang sa ganun ay luminaw ang vision ko.

"You feel dizziness,  my love?"

Ano ba nangyari kagabi?  May ginawa ba ako kagabi?  Pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako.

Huli kong naaalala,  iniwan ko sa tambayan sina Jane at Vladimir. Tapos umupo ako sa may gilid ng kalsada. I even attempted to kill myself pero hindi natuloy kasi tymigil yung sasakyan na dapat na papatay sa akin.

Wait...

Tinitigan ko ng mabuti ang mukha ng taong kaharap ko ngayon. Unti-unti nang lumilinaw ang vision ko.

Hindi... Paanong...

"Ready yourself for the punishment, love," ani nito.

"S-S-Sebastian..." tawag ko sa pangalan nya.

Tuyong-tuyo rin ang lalamunan ko. Anong nangyayari?

Tinignan ko ang paligid.  Hindi ito ang kwarto nya.  I've never been in a place like this before.  Marahil nasa ibang parte kami ng mansion nila.

But I doubt that thought.

May nakikita akong liwanang galing sa araw.

"N-Nasaan ako?" utal na tanong ko sa kanya.

Naramdaman ko ulit ang lamig sa katawan ko kaya pinasadahan ko ng tingin ang katawan ko. 

Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon