-Jane POV-"Gawin nyo po ang lahat mahanap lang po ang kaibigan ko," pakiusap ko sa mga pulis.
It's been 1 week mula ng dukutin si Dhalia! Wala man lang kahit anong sign kaming nakita to determine na buhay pa sya.
We miss her and we were worried about her.
Wala kaming idea kung sino ang dumukot sa kanya----wait.
"Tita," tawag ko sa mama ni Dhalia.
"Ano yun, hija?" matamlay na tanong nito sa akin.
Tumingin muna ako sa paligid. Busy naman ang mga pulis na mag interview sa mga kapitbahay namin, lalo na sa mga nakakakilala at close ni Dhalia.
Tapos na kaming interview-hin ni tita. And now it is Vladimir's turn.
Hinila ko si tita papasok sa bahay nila.
"Pwede po pahiram ng cellphone?" tanong ko.
Nagtataka man ngunit inabot nya pa rin sa akin.
"Ano bang gagawin mo dyan?" tanong nito.
I scan her phone...the contacts, text messages and even the call logs.
There's one suspicious number that got my attention. Sa lahat ng nakalagay sa call logs ni tita, yung number na to ang maraming missed call and recent call sa cp nya.
Kinuha ko ang phone ko tsaka kinopya ang numero.
"Ito na po. Salamat, " ani ko sabay balik sa cellphone nya. "Alis na muna ako tita," paalam ko.
"Teka, saan ka ba pupunta?" pahabol na tanong nito.
"Basta po," sagot ko mula sa may pintuan ng bahay nila.
Nadaanan ko pa si Vladimir na nagtatakang sinundan ako ng tingin.
I ignore him. Bahala sya sa buhay nya.Mula kasi ng dukutin si Dhalia, hindi na rin nya ako pinapansin. Ano yun, kaibigan nya ako kapag nandyan si Dhalia tapos stranger ako kapag wala sya?
Kainis talaga!
Pumunta ako sa paborito naming tambayan na tatlo. Medyo may pagka-gubat itong tambayan namin pero mula rito matatanaw mo ang buong bayan.
"AAARRRGGGGGGHHHHHHHH!!!!!!"
malakas kong sigaw.Hindi ko alam kung para saan ba yung sigaw ko pero gumaan ang loob ko kahit papano.
Kung para ba yun kay Dhalia kasi hanggang ngayon ay hindi pa namin sya nahahanap.
Kung para ba sa sarili ko, kasi I was there nung dinukot sya pero wala man lang akong nagawa para tulungan sya.
O kung para ba kay Vladimir na biglang nagbago ang trato sa akin. Sya na lang ang meron ako sa panahong ito pero bakit ginaganito nya ako? Kailangan ko ng kaibigan para makuhanan ng lakas. Kailangan ko ng masasandalan...but I guess he abandoned me. Dahil ba yun sa sinabi ko nung nakaraang gabi?
Umupo ako sa upuan na gawa sa kahoy, meron din itong mesa. Ito yung ginawa namin nina Dhalia dati at ito na rin yung naging official naming tambayan.
Kapag stress kami sa school works, pumupunta lang kami dito to refresh our mind.
I heaved a sigh.
"Nasaan ka na ba kasi Dhalia?" mahinang tanong ko. A tear escaped from my eyes.
"Sorry... S-sorry kung wala akong nagawa nung dinukot ka.. Sorry kung wala akong kwentang k-kaibigan... S-sorry kung palagi akong umaasa sayo... Sorry," hikbi ko.
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomanceAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...