Chapter 14: Damsel In Distress

366 6 0
                                    


-Jane POV-

"Jane, please lang.. H'wag ka ng makisawsaw sa gulo ng pamilya namin," madiing turan ng mama ni Dhalia.

Seriously?!

Nawawala na naman ang anak nila pero kung umasta sila parang wala lang. Galit ko silang tinignan.

Nagbago na sila. Hindi na sila ang mga magulang no Dhalia na nakasanayan ko. Or maybe this is their true color?

"Buhay ng kaibigan ko ang pinag-uusapan dito. Kapatid na ang turing ko sa kanya! Kung kayo walang pake sa biglaang pagkawala nya sa pangalawang pagkakataon, pwes ako meron!" singhal ko sa kanila.

"Jane, calm down," ani ni Vladimir na nasa likuran ko lang.

"Wala kang galang!" singhal sa akin ng papa ni Dhalia.

I smirked.

"Kagalang-galang ba kayo?" seryoso kong tanong sa kanya.

Binalingan ko ng tingin ang kapatid ni Dhalia na parang nakatulala lang.

"Hahanapin namin si Dhalia...isasama ko ang kapatid nya," ani ko dahilan para mapatingin sa akin ang kapatid nya.

"T-talaga?" tanong ni Darius---kapatid ni Dhalia.

"Oo. Hahanapin natin ang ate mo," ani ni Vladimir.

"Hindi nyo pwedeng isama ang anak ko---"

"Bakit naman hindi?" putol ko sa sinasabi ni tita. "...hahanapin lang naman namin ang isa NYO pang ANAK," dugtong ko.

Naging malikot ang mata ng mag-asawa.

Something's not right.

"I knew it..." rinig kong bulong ni Vladimir sa likod ko.

Agad nyang nilapitan si Darius saka inakay palabas ng bahay nila. Nanatili akong nakatayo.

"May pake man kayo kay Dhalia o wala, ibabalik namin syang buhay," ani ko bago sundan sina Vladimir.

"Sakay na," ani ni Vladimir na nakatayo katabi ng itim na kotse.

"Kaninong kotse yan?" takang tanong ko.

Sumilip pa ako sa loob para tingnan kung nasa loob na ba si Darius. May isa pang tao na katabi si Darius sa backseat pero hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatingin ito sa kabilang direksyon.

"Sa akin," sagot naman ni Vladimir.

Kinunotan ko sya ng noo.

"At kailan ka pa nagkaroon ng kotse? Sa pagkaka-alala ko kasi, kahit ballpen hindi mo magawang bumili," taas-kilay kong saad.

"Aisshhh... Pumasok ka na nga lang," ani nito sabay bukas ng pinto sa passenger seat tsaka nya ako hinawakan sa palapulsuhan sabay hila sa akin papasok.

"Nagmamadali?" inis na tanong ko sa kanya dahil kamuntik na akong mauntog.

Tatawa-tawa lang syang umikot papunta sa driver seat.

"Hindi ko hahayaan na mauntog ka. Relax," ani nya pagka-upo sa driver seat.

"Tatamaan ka talaga sa 'kin!" inis na saad ko sa kanya.

Nakakaloko naman nya akong tinignan.

"Matagal na akong tinamaan sayo," ani nya sabay ayos ng rear mirror.

Hindi na lang ako umimik. Nanti-trip na naman kasi ang loko.

"Saan tayo kuya pupunta?" tanong ni Darius.

"Ewan ko. Tanong mo dyan sa katabi mo," sagot ni Vladimir.

"Sa Casa Missibiz," biglang sagot ng katabi ni Darius.

Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon