"That's right, matakot ka. I like it that way."
***
"Bakit ba kasi nagmamadali ka, Dhalia?" tanong sa akin ni Jane pagkababa namin sa jeep.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Baka nasaktan sina mama.
"Ate Lia!" tawag sa akin ng isang bata na madalas ko tinuturuan. Patakbo syang lumapit sa akin.
"Ate... Yung b-bakery nyo po!" pagkasabi nya nun, hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi tumakbo.
Ramdam ko naman na patakbong sumunod naman sa akin sina Jane at Vladimir.
"TEKA! ITIGIL NYO YAN!!!" sigaw ko pagkarating na pagkarating ko sa tapat ng bahay namin.
Nakita naman ako agad ng kapatid ko kaya lumapit sya sa akin.
"Ate---"
"SABI NANG ITIGIL NYO YAN!" sigaw ko sabay bato sa kanila ng kahoy na napulot ko.
Sinenyasan ng isang lalaki yung may kontrol sa bulldozer, kaya tumigil ito.
Mas dumami ang tao sa paligid namin.
Bumaba yung nag mamaneho ng bulldozer saka lumapit sa akin."Anong karapatan nyo para sirain ang bakery namin?" galit kong tanong.
"Pasensya na ma'am, napag-utusan lang---"
"At sino naman ang walang hiyang nag-utos sa inyo na sirain ang baker namin? Pinaghirapan yan ipundar ng mga magulang ko!" galit na turan ko.
Pilit naman ako pinapakalma ni Jane at ng kapatid ko.
Nagkatitigan yung mga lalaki na sumisira ng bakery namin.
Maya-maya, nagsalita ulit yung nagmamaneho.
"Pasensya na ma'am pero ipinag-utos sa amin na h'wag namin sabihin sa inyo kung sino sya kung sakali man na itanong mo---"
"Aba, gago ka pala eh---"
"Ate, tama na..." ani ng kapatid ko.
"Nasaan sina mama?" tanong ko sa kapatid ko.
Magsasalita pa lang sana sya ng may nagsalita na sa likuran ko.
"Anak!"
Agad akong lumingon sa likuran at nakita ko nga doon ang mga magulang ko. Hindi man nila sabihin pero bakas sa mga mata nila ang panghihinayang.
"Nasaktan po ba kayo?" tanong ko sa kanila saka sinuri ang katawan nila kung may sugat ba o galos. Thankfully, wala naman.
"Ayos lang kami, anak... Pero---" ani ni papa sabay tingin sa bakery na ipinundar nila. Hindi na tinapos ni papa ang sinasabi nya ngunit bakas sa mga mata nito ang nais nyang ipahiwatig.
Galit na binalingan ko ang nagmamaneho ng bulldozer na sumira sa bakery namin. Naglakad ako papalapit sa kanya saka sya kinwelyuhan.
"Sasabihin mo kung sino ang may gawa nito o hahambalusin kita nito?" tanong ko sabay pakita sa kanya ng hawak kong kahoy.
Pero hindi ko man lang nakitaan ng pagkabahala ang mukha ng lalaking 'to. He even smile! He freakin' smile!!!
"Sige lang ho, ma'am. Sakyan nyo ho ako, baka hindi lang bakery nyo ang sirain namin... Baka pati..." ani nito sabay tingin sa bahay namin.
Ginagalit talaga ako nito. Sa sobrang inis ko, sinuntok ko sya sa mukha.
Hinawakan nito ang pisngi nya na sinuntok ko.
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomanceAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...