Chapter 24: He's... dead?

248 6 0
                                    

-3rd Person POV-

Ilang oras din ang byahe mula sa Casa Missibiz hanggang sa may Philippine Sea kung saan napapabalitang may sumabog na eroplano.

Malayo pa lang tanaw na ni Dhalia ang ibang helicopter. Tumanaw sya sa ibaba at nakita nya ang umuusok na eroplano.  Kalahati ay nasa ilalim na ng tubig at kalahati naman ay nakikita pa.

"Diyos ko po!" bulalas ni Dhalia ng makita ang itsura ng eroplano. 

Unang tingin pa lang,  malabong may maka-ligtas na. 

Sininyasan ni Vladimir ang pilot ng chopper na ilapit sa eroplano ang chopper. Mula sa baba, napagmasdan nila na maraming taong naka-bangka ang nakapalibot sa bumagsak na eroplano. 

"Sir,  yung bangkero na may pulang panyo na nakapulupot sa leeg,  contact po yun ni Don Marciano. Ibaba ko po kayo sa bangka nya," ani ng piloto kay Vladimir.

Tumango naman si Vladimir.

"P-Paano kung... Patay na sya?" nanginginig na tanong ni Dhalia.

"That's the reason why we're here.  Kailangan natin i-kumpirma kung eroplano ba ito ni Sebastian o hindi," sagot ni Jane.

Pasimpleng sinulyapan ni Vladimir si Jane.  Mugto ang mga mata nito.

"Bwisit na Leonardo na yun..." ani ni Vladimir sa isip nya.

Maingat na bumaba sa chopper sina Jane,  Vladimir at Dhalia.  Inalalayan naman sila ng bangkero daw na contact ni Don Marciano.

Pinagmasdan nila ang chopper habang lumilipad ito palayo sa kanila.

"Kayo ho ba ang sinasabi ni Don Marciano na pupunta dito upang kompirmahin kung buhay pa si Señorito Sebastian?" tanong ng bangkero sa kanila.  Medyo matanda na rin ito.

"Opo," sagot naman ni Jane.

"Hayst.. Grabe naman ang nangyari..." ani ni Vladimir habang nakatingin sa bumagsak na eroplano.

"Ilang tao po ba ang lulan ng eroplano?" tanong ni Dhalia sa bangkero.

"Tatlo po.  Yung secretary ni Señorito Sebastian,  yung piloto at si Señorito Sebastian..." sagot naman nito.

"May nakaligtas ba?" tanong ni Jane.

Tumingin sa kaliwang bahagi ang bangkero.

"Nakaligtas ang secretary at ang piloto,  pero hindi pa namin makumpirma kung nakaligtas din ba si Señorito Sebastian..." sagot ng bangkero.

"Pwede ho ba namin sila lapitan?" tanong ni Dhalia.

"Oo naman po,  Señorita..." ani ng bangkero at nagsagwan ito palapit sa bangka na sinasakyan ng piloto at secretary ni Sebastian.

Kunot-noong pinagmasdan sila ni Dhalia.  Wala man lang galos ni hindi man lang makikitaan ng pag-aalala ang mga mukha nito.

Nang mapansin ng dalawa ang presensya nina Dhalia,  tiningala nila ito.

"Nasaan si Sebastian?" seryosong tanong ni Dhalia.

"H-Hindi namin alam..." utal na tanong nung secretary ni Sebastian.

"Bakit hindi nyo sya kasama?" tanong ulit ni Dhalia.

"H-Hindi---"

"MARAMING AVAILABLE NA LIFE VEST AT PARACHUTE!!!  BAKIT HINDI NYO SYA BINIGYAN!!!" singhal ni Dhalia. Akmang susugurin nya na sana ang dalawa ng pigilan sya nina Vladimir at Jane.

Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon