-Vladimir POV-
Nakatanga lang kami habang pinagmamasdan ang pigura ng doctor na naglalakad palayo.
Tahimik lang kami. Wala ni isa man lang ang nagsasalita.
"Uhm... Okay... Nasaan na ba si kuya?" tanong ni Valerie dahilan para mabasag ang katahimikan.
Oo nga pala.
Kanina pa umalis si Houston pero hanggang ngayon hindi pa nakakabalik.
Ano na naman kaya ang ginawa ng gagong yun?
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jane sa akin ng akmang maglalakad na ako palabas ng hospital.
"Susunduin si Houston at ang torturer na si Sebastian," sagot ko.
Tumango lang sya bilang sagot.
Nagsimula na akong maglakad palayo.
"Magiging okay lang kaya ang lagay ng anak ko?" rinig kong tanong ng matanda. Hindi ko na ito nilingon.
"Tatay ka ba talaga ni Dhalia?" rinig kong tanong ni Jane dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.
Tatay nga ba talaga sya ni Dhalia?
"Oo. Sya ang ama ni Dhalia," rinig kong sagot ni Don Marciano.
Doon ko lang sila nilingon. Seryoso ang mga mukha nila.
Dali-dali akong naglakad pabalik sa pwesto nila Jane.
"Akala ko ba pupuntahan mo sina sir Houston?" kunot-noong tanong ni Jane sa akin.
Inilingan ko sya.
"Mamaya ko na sila pupuntahan. Makiki-chismis muna ako dito," sagot ko saka sumandal sa pader.
Iiling-iling namang napabuntong-hininga si Jane.
"Chismoso," rinig kong mahina nyang saad pero hindi ko na lang pinansin.
May kailangan lang akong malaman.
Sinuri ko ang itsura ng matanda na nagsasabi na sya raw ang ama ni Dhalia. Sa unang tingin, iisipin mo na para sya baliw. Punit-punit ang shirt tsaka medyo madungis pero hindi naman sya gaano kabaho...slight lang.
Inakbayan ni Don Marciano yung matandang lalaki na nagsasabing sya raw kuno ang ama ni Dhalia.
"It's a long story..." ani ni Don Marciano.
"Tell us the story you were talking about. We want to hear it...walang labis, walang kulang," seryoso kong saad.
"Ano ba ang gusto nyong malaman?" tanong nung tatay 'kuno' ni Dhalia.
"Bakit sinasabi mo na ikaw ang papa ni Dhalia? Tapos paano na-involve ang mga Alejo kay Dhalia? And, ano ang pangalan mo?" tanong ko.
"Ako na ang mag ku-kwento sa inyo," ani ni Don Marciano. "...By the way, this man standing right beside me is indeed the father of Dhalia---the 'real' father, he is Marvin...my friend," saad pa muli nito, pinagdidiinan ang salitang 'real'.
Friend? Aba, yayamanin naman ang kaibigan ng papa ni Dhalia.
Don Marciano heaved a sigh bago magsalita muli.
"Nagsimula ang lahat sa..."
-3rd Person POV-
(Ipagpalagay natin na ang POV na 'to ay ang kwento ni Don Marciano)
Malakas ang ulan. Sobrang lakas. Madilim na rin sa buong paligid. Oras na para matulog pero may isang pamilya ang hindi mapakali. Balisa sila at hindi malaman ang gagawin.
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomanceAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...