After a couple of minutes, tumigil kami sa isang simpleng food court.
"H'wag ka muna bababa. Pagbubuksan kita ng pinto," ani ni Sebastian saka nagmamadaling bumaba.
I unlock my seatbelt.
He opened the door car for me."S-salamat," ani ko.
"Anything for my queen," nakangiti naman nyang turan.
Ang ganda ng mga ngiti nya.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar. How come na ang isang mayaman na tao ay pupunta sa ganitong lugar?!
"Halika na. Kanina pa sya naghihintay," ani ni Sebastian. He held my hands and intertwined our fingers.
Hinayaan ko na lang. Hanggat maaari, ayaw ko sirain ang mood nya.
"Ibebenta mo na ba ako?" tanong ko bigla.
"No. Of course not. Never ko yan gagawin," mabilis naman nitong sagot.
"Sino yung kanina pa naghihintay?" tanong ko.
"Si papa," sagot naman nya.
"Weh? Sure?" paninigurado ko.
"Oo nga, kulit mo naman," naiiling na saad nito.
"Syempre makulit ako, cute ako eh," ani ko.
Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din sya bigla.
Nagtataka ko naman syang tinitigan.
"Bakit?" takang tanong ko.
Nakita ko na lumambot bigla ang ekspresyon ng mga mata nya pero hindi naglaon ay bumalik ito sa pagiging seryoso.
"Nothing ha-ha-ha. Oh, ayun pala si papa," ani nya sabay nguso sa may unahan namin.
Tinignan ko naman yung tinuturo ng nguso nya.
I saw an old man, I guess nasa mid-30 na sya, nakangiti syang kumaway sa amin.
"Let's go," ani nito saka ako inakay papunta sa table ni Don Marciano.
"H-hello po," bati ko pagkatapat namin sa kanya.
"I'm glad that I finally meet you, Lianna," ani nito.
Alanganin naman akong ngumiti sa kanya.
Maging sya ay alam ang real name ko. Ibang klase!
"Have a sit," ani ulit no Don Marciano.
Umupo naman ako, katabi si Sebastian.
Ang awkward. Alam nya kaya na dinukot ako ng anak nya? Ilang araw na rin ako nakatambay sa bahay nila, I guess alam nya.
"So anong plano, anak?" tanong ni Don Marciano.
Tinignan ko naman si Sebastian. Naka-kunot ang mga noo nito. Bakas din ang pagtataka.
"Uhm...ah... Gusto ko sana na next week na kami ikasal," ani ni Sebastian dahilan para mamilog ang mga mata ko.
"Kasal?!" mabilis na tanong ko dito.
"Hindi mo pa sa kanya nasasabi?" tanong ni Don Marciano.
"No. Nakalimutan kong sabihin sa kanya," sagot ni Sebastian sabay tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomantizmAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...