-Jane's POV-
Nagising ako around 4AM na. Actually, hindi naman ako nakatulog ng maayos. Parang naka-idlip lang ako.
Nilipat na rin ng kwarto si Dhalia. Stable na ang lagay nya pero hindi pa sya nagigising.
Siguro kasi sobrang pagod at hirap ang naranasan ng katawan nya. Ngayon lang medyo napanatag kaya siguro hindi pa sya nagigising.
Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng hospital room ni Dhalia pero si Darius lang ang nakita ko.
Nasaan sila?
Tinignan ko muna kung tulog pa ba si Darius. Nang masiguro ko na malalim ang tulog nito, napagpasyahan ko na lumabas muna ng hospital room ni Dhalia para hanapin yung mga kasama ko.
Yung mga Alejo tapos si sir Houston at Vladimir. Mula ng sundan ni Vladimir sina sir Houston at Sebastian, hindi na sya bumalik.
Hindi naman nya kami iiwan dito, diba?
Hanggang ngayon, hindi ko alam kung bakit hindi ko maalala yung nangyari sa akin nung mga panahong isinama ako ni Tito Marvin sa Sitio Emerald.
Like, naaalala ko naman yung mga pangyayari nung mga panahong nasa Sitio Emerald na kami ni Dhalia pero bakit nung nasa puder pa ako ng mga Alejo, kasama si mama, bakit hindi ko maalala? Bakit wala akong maalala?
"Are you an idiot?"
Natigilan ako sa paglalakad ng may marinig na boses mula sa isang bakanteng kwarto dito sa hospital.
"Shh... Hinaan mo lang ang boses mo, baka may makarinig sa atin," ani ng isa pang boses.
Sumandal ako sa pader malapit sa pinto ng bakanteng kwarto.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
Natulog na kaya sila?"Look kuya Leonardo, I know na concern ka lang kay ate Dhalia pero ang ilayo sya kay kuya Sebastian... Hindi na makatarungan yun," ani ng boses ni Valerie.
Ano? Ilalayo nila si Dhalia? Saan naman nila dadalhin?
"Intindihin mo ako Valerie---"
"Paano kita iintindihin kung ayaw mo sabihin sa akin yung rason kung bakit mo ilalayo si ate Dhalia kay kuya Sebastian!" singhal ni Valerie.
Wala akong narinig na sagot galing kay Leonardo.
"Dahil mas mapapahamak si Dhalia kapag nasa malapit sya ni Sebastian! Baka ikamatay na nya!" sagot ni Leonardo.
"Tell me.. Yun lang ba talaga ang rason mo? O baka may mas malalim ka pang pinaghuhugutan kaya ganyan ka na lang ka-concern kay ate Dhalia," kalmadong tanong ni Valerie.
Baka may gusto si Leonardo kay Dhalia kaya gusto nyang ilayo si Dhalia kay Sebastian para ma-solo nya si Dhalia.
Pero impossible naman na may gusto sya kay Dhalia. Dahil kung meron man, edi sana sa umpisa pa lang pinigilan na ni Leonardo si Sebastian sa balak nya kay Dhalia. O kaya tinulungan na sana nya si Dhalia na makatakas sa kapatid nya.
Pero hindi nya ginawa.
"W-wala na akong ibang rason na maibibigay sayo," utal na saad ni Leonardo.
"Sigurado ka?" pangungulit ni Valerie. "..bakit si ate Dhalia pa ang ilalayo mo kung pwede namang si kuya Sebastian..." dagdag pa nito.
"Look... I.. I d-don't want to...to..."
Suddenly, Leonardo's voice became shaky.
"Calm down, kuya," ani ni Valerie.
"A-ayaw ko lang m-masaksihan ang nangyari dati... A-ayaw kong matulad ka sa akin," nanginginig ang boses na saad ni Leonardo.
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomanceAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...