Chapter 4: Abducted

642 9 1
                                    

"I am now marking you as mine,  love."

-Dhalia POV-

"Ang tahimik mo yata ngayon?" ani ko kay Jane. 

Wala kaming pasok ngayon kaya baka mamayang hapon na ako uuwi sa bahay.
At ito naman si Jane,  kanina pa tahimik.

Pumunta si Vladimir sa bahay nina Jane kanina para bigyan kami ng pandesal galing sa isang bakery na nasa kabilang baryo.

Usually kasi sa bakey namin bumibili ni Vladimir pero dahil nga sa giniba ito,  napilitan syang bumili sa kabilang baryo.

"May iniisip lang," sagot ni Jane.

"Ano na naman ang iniisip mo?" takang tanong ko.

"Wala... Nga pala gala tayo?" yaya nya sa akin.

"Gumala na tayo kagabi,  gagala na naman tayo ngayon?  Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Ang daming tanong,  gusto rin pala gumala," ani ni Jane saka ako inirapan.

"Punta na lang tayo sa mall," suhestyon ko.

"Ano naman gagawin natin sa mall?" tanong nito.

"Ta-tae tayo," sagot ko.

Napangiwi ako ng hampasin nya bigla ang braso ko.

"Umayos ka nga!" asik nito sa akin.

"Ikaw ang umayos," ani ko. "...so ano? G?" tanong ko.

Tumango naman sya.

-Someone's POV-

"Saan ka na naman kuya pupunta?" tanong ng kapatid kong si Valerie.

"It's none of your business,  sister," sagot ko.

Nakatayo sya sa may pinto ng kwarto ko while I am fixing my necktie.

"Need some help with that one?" tanong nito sabay nguso sa necktie ko.

I heaved a sigh then nod my head.
Naglakad naman sya palapit sa akin.

"Nakarating na ba sayo ang balita?" tanong nito habang inaayos ang necktie ko.

"Aling balita?" takang tanong ko.

"Kuya Leonardo is back," sagot nito. "..there,  okay na ang necktie mo.  May date ka yata," dagdag nito.

May kung ano-ano pa syang sinasabi pero hindi ko na magawang i-process sa utak ko dahil sa sinabi nya.

Bumalik na si Leonardo?  Kailan pa?  Bakit hindi ko alam?

"Hey,  kuya,  nakikinig ka ba?"

Nabalik ako sa sarili ko ng bahagya akong sampalin ni Valerie.

"What?" iritang tanong ko.

I do really hate being slapped.

"Ang sabi ko,  si kuya Leonardo ay nakabalik na.  And I heard na nag-aaral sya sa school na pagmamay-ari natin," ani nito.

I remain silent.  She then suddenly smirk.

"If I were you,  mamarkahan ko na sya bago pa ako maunahan ng iba," makahulugan nyang saad bago tuluyang lisanin ang kwarto ko.

Naupo ako sa kama ko.  I don't really have a choice. Ayaw ko maunahan.  Ayaw ko maagawan.

If I had to kill my own brother para lang wala akong karibal sa babaeng mahal ko...gagawin ko. I am not Alejo for nothing.

Tutal,  ganito naman maglaro ang mga Alejo. They will get what they want by hook or by crook.

"Anong pagkatao na naman kaya ang ginamit ng mahal kong kapatid para taguan ako?" tanong ko sa hangin.

Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon