Chapter 17: His Side

283 7 0
                                    


-Sebastian's POV-

"Labas!" singhal sa akin ng isang boses.

Takte yan! Ba't naman nila ako nilagay sa likuran ng kotse? Kaya pala ang sikip-sikip.

Tiningala ko ang nag salita.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan? Labas!" singhal nya ulit.

Tulad ng sabi nya, lumabas nga ako.

"Oh," ani nya sabay abot sa akin ng alak.

Eh? Saan 'to galing? Ibang klase talaga ang lalaking 'to.

Kinuha ko ang beer na inaalok nya sa akin.

"Alam mo ba na napaka-walang kwenta mong lalaki?" tanong nito sa akin.

Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang beer na nasa kamay ko.

"Yah.. I know," mahinang saad ko.

"Hindi ka naman ganyan dati, diba? Anong nangyari? Nasaan na yung Sebastian na maamo pa sa tupa?" tanong nya.

Lumagok muna ako bago sya sinagot.

"Patay na," sagot ko.

"Ano ba kasi ang nangyayari sayo? Oo, alam ko na obsess ka kay Dhalia pero hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito!?" asik nito sa akin.

Tinitigan ko sya. Bakas ang galit sa mga mata nya.

Oo Nga pala... Si Lianna...

"Nasaan si Lianna?" takang tanong ko.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at ngayon ko lang napagtanto na nasa labas kami ng hospital.

Same hospital.
Same person.
Same situation...
Pero magkaiba ang rason kung bakit ako nandito.

"Bumalik ang sakit nya," ani ni Houston.

Binalik ko ang tingin sa kanya.

"Magiging okay lang ba sya? Gagaling pa ba sya? Tell me, ano na ang lagay nya?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Sa ngayon, ang alam ko ay bumalik yung sakit nya dati but this time kamuntik na syang mawala kung sakaling hindi sya agad naisugod dito sa Hospital," sagot nito.

Napasapo ako sa noo ko.

I remember the way she looked me in the eyes that time that I pulled the trigger. Kung sana hindi ko na lang sya hinabol. Kung sana nanatili akong kalmado... Siguro hindi hahantong sa ganito.

"P-Pwede ko ba sya makita?" tanong ko.

"Hindi pwede," sagot naman nito.

"Bakit?" tanong ko.

"Kung ayaw mo mabugbog, h'wag kang papasok dyan," tukoy nya sa loob ng hospital.

"Bakit nga?" pangungulit ko.

"Nandyan sa loob sina Don Marciano pati ang mga kapatid mo... Maging ang totoong ama daw ni Dhalia, tapos yung nga kaibigan ni Dhalia," sagot nito.

What the...

"Anong ginagawa nila dito?" tanong ko. "...tapos paano nyo nalaman na nandito ako?" takang tanong ko.

"To answer your first question, well nandito sila para bugbogin ka. And for your second question, natunton ka namin dahil sa matalino mong kapatid," sagot nito.

Shit... Oo nga pala.

Siguro na-trace ni Leonardo yung location ko gamit yung cellphone ko. Haysss... Bakit kasi may matalino akong kapatid?

Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon