-Sebastian POV-
"Seryoso ka pala talaga. I thought you're joking," ani ni Houston sa akin.
He decided na ihatid ako sa airport dito sa Casa Missibiz dahil doon nilapag ng secretary ko ang private plane ko.
Tapos isa pa, wala naman maghahatid sa akin. I'm going back to Japan... The place that feels like hell for me.
"Joking is not on my vocabulary," seryoso kong sagot habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse nya.
Leaving Lianna is not easy for me. For the second time, iniwan ko na naman sya."Hindi ka man lang nagpaalam kay Dhalia," ani nya na ikinalingon ko sa kanya.
I heaved a sigh tsaka bumaling ulit sa labas ng bintana.
"Hindi na kailangan. I am a monster in her eyes. Baka kapag nagpakita pa ako sa kanya, baka biglang ma-trigger ang kagaguhang ginawa ko," saad ko.
Gustuhin ko man na magpaalam sa kanya. Hindi pwede.
May usapan kami ni papa at ni Tito Marvin. Hindi ko yun pwedeng baliin dahil baka habang-buhay ko ng hindi makikita si Lianna. Hindi ko pwedeng makita si Lianna hanggat hindi ko naaayos ang sarili ko.
"I know she loves you---"
"Stop this nonsense, Houston. Sobrang sama ng ginawa ko sa kanya. Hinding-hindi nya ako mamahalin. Walang ganun. Sa libro lang nangyayari ang mga ganyang bagay...hindi sa totoong buhay," madiin na saad ko.
"At galing na rin mismo sa bibig nya... Hindi nya ako mahal at... hinding-hindi nya ako mamahalin kahit kailan." dagdag ko pa.
Hindi na umimik si Houston. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa airport kung nasaan naroon ang private plains ko.
"Ingat ka sa byahe, insan," paalam ni Houston.
Tinanguan ko lang sya.
"Pakibantayan muna sya para sa akin... Hanggang sa makabalik ako," nakangiti kong saad sa kanya.
"Oo naman. Babantayan ko sya para sayo."
"Pero kung pwede h'wag kang masyadong dumikit sa kanya kasi baka sayo sya mahulog..."
Natatawa naman syang umiling.
"She's not my type... And Dhalia is like a sister to me, chill."
Tinalikuran ko na sya at akmang sasakay na sa eroplano ng may naalala ako bigla.
"Nga pala..."
"Hmm?"
"Bago ka bumalik sa hospital, bumili ka muna ng pink na tulips, isang bouquet nu'n... Tapos flattops, isang dosena rin nu'n... Tapos libro...kung may mahanap kang libro na tungkol sa detective, lawyer, or basta ang genre ay mystery, bilhin mo lahat. Just send me the bill and I'll pay you," ani ko.
Kanina ko lang na-gets yung sinasabi nung kaibigan ni Lianna. Those three things will make Lianna happy.
"Isang dosenang flattops? Are you kidding me?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"Malayo ang mga bilihan doon sa hospital kaya hanggat maaari, damihan mo na. Tsaka it's her favorite chocolate. The price is cheap but for me, seeing Lianna happy is priceless... So please, do my favor," pakiusap ko.
BINABASA MO ANG
Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]
RomanceAng maikasal sa isang mayaman ang pangarap nang lahat ng kababaihan sa Sitio Emerald. Subalit para kay Dhalia, ang makasal sa isang mayamang lalaki ay isang bangungot. Sa kabila ng yaman na natatanggap nya, kapalit nito ang kalayaan na ipinagkait sa...