Chapter 21: Speechless

194 6 0
                                    

-Jane POV-

"Oh tapos,  ano sabi?" tanong ni Vladimir sa akin.  Kinukwento ko kasi sa kanya yung kaganapan sa pagitan namin ni Sebastian kaninang umaga.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa bench kung saan namin sabay pinanood ang sunrise.

"Wala naman syang sinabi. Basta naglakad lang sya palayo," ani ko sabay inom ng coke-in-can.

"Baliw ka raw kasi," iiling-iling na saad ni Vladimir.

Baka nga. Kasi naman eh,  idea yun ni Valerie.  Hindi ko alam kung bakit ko sinunod ang bruhang yun.

"Nga pala,  nasaan si sir Houston?" tanong ko.

"Pinaalis ko."

"Bakit naman?"

He looked at me,  base on my peripheral vision,  with eyebrows knotted.

"Anong 'bakit naman'?" takang tanong nya.

Nag kibit-balikat na lang ako. 

"Nakaka-miss kasi any ka-gwapuhan nya kahit pinaglihi sya sa sama ng loob," ani ko.

"Mas gwapo naman ako, dun."

He murmured something pero hindi ko gaano naintindihan.

"Anong sabi mo? May binubulong ka?" tanong ko.

"Sabi ko,  ang pangit ng taste mo," ani nya saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

Nagsimula na syang mag martsa palayo.

"Pupuntahan ko lang si Valerie," nakapamulsang sagot nya.

Kunot-noo kong sinundan ng tingin ang pigura nya.

Bakit nya pupuntahan si Valerie?  Anong rason?

Mabilis kong nilagok ang iniinom ko saka wala sa sariling sinundan sya.

"Going somewhere?" tanong ni Leonardo sabay harang sa dinaraanan ko.  Sinundan nya ng tingin si Vladimir,  "...or should I say,  are you following someone?" dagdag nya saka ngising binalik ang tingin sa akin.

"Umalis ka nga dyan.  Haharang-harang sa daan." Inirapan ko sya saka akmang lalagpasan na sana sya ng harangan nya ulit ang daan.

Aba't... Feeling close naman ang isang 'to.

"Look,  let me tell you something," seryoso nyang sabi habang diretsyong nakatingin sa mga mata ko.

Nilagay nya sa loob ng bulsa ng short nya ang mga kamay nya.

"Wala kang chance sa kanya.  May mahal na syang iba and that's my sister,  so back off," ani nya saka ako tinalikuran.

"At hinding-hindi ka nya magugustuhan...wala kang panama sa ganda at karisma ni Valerie."

Naglakad na sya palayo.

D-did he just---

Wait.. Wait.. Wait... Wala naman syang sinabing pangalan diba? Diba?

Alejo Series #1: Obsession Of Mr. Alejo (Valirch Sebastian Alejo) [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon