CHAPTER 2

37.4K 546 43
                                    

A/n:
May pic po sa ibabaw! Yes po tama ang nakita niyo. Ang The Secretary po yan, kahapon ko po nakita yan March 16, 2022 Hindi ko po akalain na isa sa story ko nasa top picks for you! Congratulations to all of us, mga puso ko/thirdian! Maraming salamat sa'inyo! Dahil dyan, may update hahaha.

P.s. grammatical and typo error ahead!

Enjoy!

CHAPTER 2

"MAY bisita ka." agad akong napatingin sa gawi ni ate. "Mag-usap kayo." dagdag pa niya.

Umiling ako dito. Wala na kaming pag-uusapan pa. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan. Nakaya ko lang naman sabihin ang mga salitang yun dahil sa lasing ako at hindi mismo sa harap niya.

Nasasaktan akong nakikita rin siyang nasasaktan. One year and seven months na kaming magkasintahan ni David. Nakikila ko siya dahil sa kalokuhan ng kaibigan kong si Jona.

Well, trip lang talaga ng Jona yun. Isang dare daw na magmessage ako sa isang lalaking hindi ko kilala. Siya ang pumili sa Facebook wala ring mukha ang profile niya kaya ang akala ko baka babae ito.

Hindi ako nakataggi sa dare ng kaibigan. Katuwaan lang talaga namin yung time na 'yon. At hindi ko inakalang doon magsisimula ang lahat. Ng meet kami, at sa una awkward. Tuloy-tuloy ang pagchat namin sa isa't-isa at pagkikita hanggang sa nagkaaminan.

Sa buong buhay ko siguro yun ang unang desisyon na ako ang may gusto. At alam kung masaya ako sa desisyon ko.

Lagi kaming nagkikita paguwian ibang school kasi siya. Fourth year college siya at ako naman third year college. Naging masaya naman ang pagsasama namin.

Almost perfect yung relationship namin kung sasabihin ko. Sobrang understanding sa lahat si David, sobrang perfect niyan boyfriend para sa'kin. Lagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya. Sweet, caring at syempre mapagmahal na boyfriend.

Pero nagbago ang lahat ng yun ng nalaman kong buntis si Ate Elly, hindi ko alam kung planodo niyang mabuntis dahil alam niyang ipapakasal siya sa isang lalaki. Kaya ako ang napalit sa'kanya. At sa buong buhay ko, lagi lang akong nakasunod sa utos niya.

Ang pagboboyfriend ko lang ang naging una kung desisyon sa buong buhay ko.

Tumalikod ako at tinabunan ko ang mukha ko ng kumot. "Paalisin muna siya, Ate. Baka makita pa siya ni Dad." I said.

Narinig ko ang bumuntong hininga niya. "Sige. Pero Eli, kausapin mo naman ang tao. Karapatan din niyang marining paliwanag mo." Saad niya at biglang tumahimik si ate.

"Okay. Bumangod kana d'yan, may nakahandang breakfast sayo." dagdag niyang saad. Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto at pagsirado na senyales na nakalabas na ito. Inalis ko ang kumot sa mukha bago bumaling sa pintong nilabasan ni Ate Elly

Nagmadaling tumayo ako at sumilip sa bintana ng kwarto ko. Nakita kong kinausap ni Ate si David. At nakita ko ring paano bumagsak ang mga balikat niya bago tumango ng marahan.

Numuo ang luha ko ng makitang ko itong tumalikod at pumasok sa sasakyan niya. At makitang ang pagalis ng sasakyan niya.

Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi ko at pumasok sa shower para maligo.

NANGINGINING ang mga kamay ko ng pagkapasok sa library ni Daddy. Nakita kong seryoso nag-type ang ama ko sa laptop niya.

"B-bakit niyo po ako pinatawag, d-dad?" Mahina at medyo nangingining ang boses ko. Napalunok ako ng umangat ang ulo niya at tignan ako.

"Wear a decent dress you have. You will meet your fiance in our dinner. You can leave now." walang emosyong saad niya sa akin.

I blinked twice before I leave the room. Naghihina akong napasandal sa pinto ng library ng ama.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon