CHAPTER 6

25.8K 404 13
                                    

A/n: Good morning mga puso ko! Enjoy reading!

CHAPTER 6

SINUNDAN ko naman ang mag-ama paghatid nito ang kwarto ni Marco. Nang mahiga na nila ito sa kama sakto naman ay may tumawag sa phone ni Mr. Torres.

"Yes, babe?" napaiwas naman ako ng tingin dito. Sobrang tamis naman ng ngiti niya habang sinagot ang tawag.

"We're here. Nahatid ko ng maayos," sagot niya

Habang ako ay nakatayo sa gilid ay nagsalubong ang tingin namin ng anak ni Mr. Torres, binigyan lang ako ng isang tango habang sobrang seryoso tingin sa'kin.

"Nandito naman ang fiancé niya. Don't worry about him, babe. His fiancé is here. She can take care of him. Hmmm...love you babe." napangiwi naman ako sa saad niya.

Ba't ko naman aalagan pa yan? Maglalasing tapos hindi naman pala kaya. Tapos ako pa ang mapro-problema dito.

Nakita kong napangiwi ang anak niya sa saad ng ama. Napangiti naman ako ng palihim dito.

"Alis na kami, Eli. Ikaw na ang bahala sa fiancé mo. Let's go, son." Kinalibutan naman ako sa saad niyang 'fiancé mo'. Tango nalang ang sagot ko sa'kanya at naiwan akong nasa kwarto.

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at isang puting bimpo. Alam ko naman ang dapat kung gawin dahil nagawa ko narin ito nung minsang nalasing si David.

Napatigil ako habang nakaupo sa gilid ng kama niya. I gulped nang matanto ko na kailangan ko palang tanggalin ang damit niya.

Huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Ba't ko ba ito ginawa?

Umiling nalang ako. Nangingining ang kamay ko habang nagtatagal nang batones ng damit niya. Nang matagal na lahat ng nakabatones ay agad akong umiwas ng tingin sa katawan niya.

Tumingin lang ako sa ibang deriksyon habang inayos ang pagbukas ng damit niya. Napatigil nalang ako sa pagkapa ng nahawakan ko ang nipple niya.

Nanlaki ang mga mata ko at agad ko naman binitawan at tinuon ko nalang ang tingin sa pag-piga ng mabuti sa bimpo.

Sinimulan kung punasan ang pisngi, noo at leeg niya. Hindi ko mapigilang mapatitig sa perpekto niyang mukha. Kahit sobrang dilim ng bar nung una naming pagkikita ay klarong-klaro ko ang bawat detalye ng mukha niya.

Pero iba parin pala sa malapitan mo ito makita at hindi sa madilim. Nganon, kitang-kita ko kung gaano katangos ang ilong niya. Ang shape ng panga, at ang maliit na pulang bibig nito.

Bigla akong natauhan ng bigla akong hinatak niya kaya napadapa tuloy ang mukha ko sa dibdib niya.

Nanigas ang buong katawan ko sa ginawa niya. Nanlaki ang mata ko ng nararamdaman ko kung gaano kainit ang dibdib niya.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko naman ang dahan-dahan nitong pagmulat ng mga mata niya.

"E-eli? Hmmmmm...s-sorry..." saad niya, tapos dahan-dahan naman pumikit ang mga mata niya.

Umiling nalang ako sa saad niya. At hindi ko alam sa sarili ko, pero bigla nalang akong napangiti. Hindi ko alam, basta kusa lang akong ngumiti ng palihim dahil sa sinabi niya.

Nahihibang na ata ako!

Napa-iling ako at nagpatuloy sa pagpupunas ng katawan niya. Pagkatapos ay kumuha ako ng malinis damit.

Sobrang tagal kung naisuot ang damit niya dahil sa pagkahiga nito.

Nang malinis ko ang kalat ay inayos ko naman ang kumot na nakabalot sa katawan niya bago lumabas ng kwarto niya. Nagtungo ako sa kwarto ko at masayang humiga sa kama.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon