WARNING: R-18 READ AT YOUR OWN RISK. BAWAL ANG BATA DITO.
CHAPTER 3
"BIBISITAHIN kita paminsan- minsan dun, basta kapag may ginawa ang lalaking 'yon sabihin mo agad sa akin, Eli." habang tinutulungan akong mag-ayos ng mga gamit ko.
"Ate, kaya ko naman ang sarili ko." sagot ko.
"I know, pero hindi ako sanay nawala ka dito." napangiti naman ako. Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy sa pag-ayos ng mga gamit kung dadalhin.
Tulad ng inaasahan ko may sumundo sa'kin ng isang itim na sasakyan.
Kinuha naman ni kuya ang dala kung maleta. "Salamat, kuya."
Napalingon naman ako kay ate na kanina ako pasinghot-singhot sa likod ko. Napangiti naman ako kay kuya Ronald.
"Kuya, ikaw na ang bahala kaya Ate at sa maging pamangkin ko. Ikaw muna ang bahala sa'kanila, kuya." Sumagot naman siya bilang isang tango habang nakatitig lang kay ate.
"E-eli.."
Niyakap ko nalang siya ng mahigpit. "Tama ng pag-iyak, Ate. Masama yan para sa baby. At tsaka pwede, mo naman akong bisitahin dun, may binigay naman akong address sayo." pinipigilan ko ang sarili wag ma-iyak.
Tumango ito bago kumawala sa yakap ko. Hinaplos naman niy ang buhok ko. "Basta kahit anong mangyari nandito lang si Ate." namuo naman ang luha ko sa mga mata.
Buong buhay ko kay Ate ko lang naramdaman ang pagtanggap sa'kin. Siya lang ang taong minahal ako nang sinilang ako sa mundong ito. Simula pagkabata, lagi siyang nandyan sumusuporta. Laging nagpapakas ng loob ko.
Lagi niyang pinaparamdam na hindi ako nag-iisa na karamay ko siya sa bawat hakbang ng buhay ko.
Siya lang nakakaintindi sa lahat.
"I-ikaw na muna ang bahala kay Dad, Ate." she nodded.
"Ma'am, tara na po." saad ni kuya. Rinig ko ang pagbukas ng pinto ng sasakyan.
"Alis na ako, ingat kayo palagi." huling saad ko bago pumasok sa backseat.
Binuksan ko naman ang bintana at kumaway dito. Hanggang sa hindi ko na sila nakita. Napabuntong-hiniga nalang ako bago sinarado ang bintana at umayos ng upo.
Napasandal naman ako sa bintana at nakatutula.
Pagkapasok ng dinner nung gabing 'yon. Nagulat nalang ako ng sabihin ni Mr. Santiago na magsasama muna kami sa isang bahay. May 6 months na binigay ito, kapag walang nangyari sa pagsama namin hindi matutuloy ang kasal.
Hindi agad ng proseso ang utak ko sa sinabi nito. Pero isa lang ang pumasok sa isip ko, si David. Napuno ang puso ko sa pagsisi, kung alam ko lang.
Sana, hindi ko siya nasaktan ngayon. Kung sana, walang hiwalayang naganap. Pwede ko naman itong paki-usapan at alam kung maiitindihan niya ako pero huli na. Tapos na, nangyari na.
Pero naisip ko rin, masakit sa parte ni David bilang boyfriend ko. Oo, alam kung sobrang understanding na tao ang boyfriend ko pero ko alam kung ano ang maging reaksyon niya kapag sinabi ko.
Sa kabilang banda naisip ko ring, tama narin siguro yun. Natatakot akong kung ano ang maging reaksyon niya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
Mabalis lang naman lumipas ang anim na buwan at makakaya ko 'to. Maayos ko pa ang relasyon namin ni David. Pwede pang mangyari ang plano namin.
At kita naman na hindi rin gusto matali ni Marco ng maaga. Pareho kaming ayaw sa sitwasyon at ayaw sa isa't-isa.
Kaya David hintayin mo ako.

BINABASA MO ANG
One Night
RomanceNicholas Marco Santiago was arrange marriage with a woman he doesn't even know. But fate game them... he meet the woman at the bar and they had one night stand and that one night change their life. But what will happen after he discovered that his f...