CHAPTER 17
TULAD nga ng sabi ni Mrs--mommy pala ay agad na dumating ang chopper sa rooftop ng mansion ni Marco. May dala akong puting maliit na maleta habang nasa elevator. Nag-text narin ako kay Jona na mawawala ako ng ilang araw sa mansion baka pumunta pa ito sa mansion, alam pa naman nito na wala ng bodyguard nakabantay sa'kin.
Nakatulog ako sa buong byahe. Nagisig nalang ako dahil sa malamig na hangin at hampas ng alon sa dagat. Mabilis akong bumaba sa chopper pagkatapos nagpaalam sa piloto at sumalubong sa'kin ang sariwang hangin, napapikit ako para damhin ang hangin humahaplos sa katawan ko. Naramdaman ko ang pag-alis ng chopper kaya lumakad na ako dala-dala ang maliit kong maleta.
I take a deep breath before I enter the house. Sumalubong sa'kin ang tahimik na bahay. May tao ba dito? Bakit parang sobrang tahimik naman?
I bit my lower lips and continue walking. I found myself in the room. Uminit ang magkabilang pisngi ko ng maalala yung nangyari sa'min sa kwarto na ito. Napasighap ako ng biglang bumakas ang pinto sa shower room. Lumabas ang isang lalaking nakahubad.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko, ng matanto na wala itong samplot kahit na isa.
"Ahhh! W-wear something! Cover y-your nake b-body!" Saad ko habang mabilis na tumalikod. Habang ang mga kamay ko ay nasa mga mata nakatabon. Naramdaman ko ang paggalaw niya. Kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.
"What are you doing here?" He coldly said to me. Dahan-dahan akong humarap sa'kanya ang mabuti at nakasuot na itong pagibabang damit.
Napahigpit ang hawak ko sa mga kamay kung malamig. "I-ilang araw kang nawala...at hindi mo naman sinabi sa'kin kung saan ka pupunta--"
"You don't have to know." Matigas at walang reaksyon na sagot sa'kin.
"... I started to worried.. a-about you..and then I asked your mom. And she told me that you're here." Napayuko dahil sa sobrang kakahiyan. Saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sa'kanya 'yon?
Well, totoo naman ang sinasabi ko. Pero nakakahiya parin pala! Naramdaman ko ang paglapit niya sa gawi ko kaya mas lalo akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. My eyes widely opened when he hugged me tightly. Marco hugged me?!
Napangiti ako at napikit. Oh heart..please stop beating so fast...your so obvious.
Calm yourself...and your heart Eli!
Bumitaw siya sa yakap ko at ngumiti. Oh I missed that smile.
"Let's go downstairs. Let me cook something for you--"
"Mag-order nalang tayo, Marco." Putol ko dito. Nahihiya naman ako at napaiwas ng tingin.
He chuckled. "Yeah, right. Mag-order nalang tayo." Ang bilis naman ng reaksyon ng puso ko dahil sa pagtawa niya at pag-ngiti nito ng matamis sa'kin.
PAGKATAPOS naming kumain, medyo naging awkward ang paligid. Pareho kaming naninibago sa turing sa bawat isa. Pilit ko namang tinuon ang tingin ko sa pinapanood naming movie. Nahihirapan tuloy akong mahinga at parang hindi ako makagalaw dito dahil sa tingin niya.
Kahit hindi ko siya lingonin dahil alam kong kanina pa ito nakatitig sa'kin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya na dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Kaya hindi ko mapigilan na tignan siya. I smile awkwardly. Kahit naninibago ako sa bawat kilos niya hindi ko kinakaila na nagugustohan ko ang mga ginawa niya.
"I really like you Eli..." Bulong nitong saad. Mas lalo akong nanigas sa pwesto ko.
Akala ko nung gabing lasing siya at nung sinasabi niya may gusto sya sa'kin ay akala ko nasabi niya lang yon dahil lasing siya.

BINABASA MO ANG
One Night
RomansaNicholas Marco Santiago was arrange marriage with a woman he doesn't even know. But fate game them... he meet the woman at the bar and they had one night stand and that one night change their life. But what will happen after he discovered that his f...