CHAPTER 16

17.2K 282 16
                                    

CHAPTER 16


MAS lalo kong sinuksok ang sarili sa unan na yakap ko. Maniit at matigas pero sobrang komportable niyang higaan. Naamoy ko naman ang mabagong unan. Kumunot ang noo ko because the perfume I smell right now is familiar. Hindi naman ganito kabango ang unan ko.

Mainit? Matigas? Kailangan ba naging mainit ang unan ko at naging matigas. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at umangat ng tingin. Nanlaki ang dalawa kong mga mata ng matanto ko kung sino ang kayakap ko.

Bumaba ang tingin ko sa katawan niya walang damit. Namula ang magkabilang pisngi ko dahil sa nakita ko.

P-paano? Bumalik sa'kanya ang nangyari kagabi. Napasapo ako sa sariling noo, after he said 'he like me' ay nakatulog ito. Halos matumba pa nga kami dahil sa sobrang bigat niya. Nagising pa naman si Manong Ambo para makatulog sa pag-alalay para mahiga lang siya sa kama niya sa taas. Matapos ko siyang ihiga sa kama ay ayaw na niya ako bitawan kaya hanggang sa nakatulog na pala ako.

Inayos ko ang kumot niya hanggang dibdib niya bago umalis sa kama. Lumabas ako kwarto at dumiretsyo sa kwarto ko. Mabilis ang kilos ko at agad na pumasok sa shower room para maligo. Nagsuot lang ako ng black t-shirt na extra large at white shorts. Pero dahil sa taas ng damit ko ay parang wala akong suot na short.

Tinatali ko ang buhok pababa ako ng hagdan. Agad kong nadatnan si nanay Emma na nagluluto. Agad ko itong hinalikan sa pisngi kaya gulat naman itong tumingin sa'kin. Napatawa ako ng mahina sa nakita ko ang reaksyon ni Nanay.

"Good morning nay!"

"Wag naman akong gulatin anak." Ngumuso ako dito kaya napangiti. "Mukhang maganda ang gising natin ah. Kumusta ang lasing?" Tanong ni Nanay sa'kin habang nagpatuloy sa pagluluto.

"Tulog parin po, nay." Sagot ko dito tapos tumulong sa paghihiwa ng lulutuin.

"Yung batang 'yon. Kumusta naman ang paguusap niyo ng boyfriend mo anak?"

Napatigil ako sa paghihiwa at bumalik din saglit sa ginagawa.

"Okay naman po." Humarap si nanay Emma sa'kin habang tinitignan ako nito ng mabuti. Para bang sinusuri niya kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Mabait ba yang boyfriend mo..?"

Ngumiti ako. "Sobra po nay." Sa sobrang bait. Hindi ko nga alam kung deserve ko pa ang pagmamahal ni David. Kahit na nagkamali ako ay handa niya parin akong patawarin.

"Mabuti naman." saad ni Nanay bago umabalik sa pagluluto niya.

Habang naghahanda kami sa mesa ay ang pagbaba naman ni Marco habang hawak-hawak ang noo niya. Mabilis ako kinuha ang tubig at gamot sa hangover. Lumapit ako sa'kanya at binigay ang tubig at gamot. Naguguluhan naman itong nakatingin sa'kin at kalaunan ay tinanggap niya rin.

"Morning." Maliit kong sambit habang may ngiti sa labi pero biglang naglaho ng dahan-dahan ang ngiti ko dahil binigyan niya lang ako ng walang reaksyon tango at tinalikuran akong nakatulala.

I can stop myself to glance in his direction. He's eating silently. Hindi tuloy ako makakain dahil hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapatingin sa'kanya. Umangat ang tingin ko ng sa'kanya ng tumayo ito sa kinauupuan.

"Nay Emma." tawag nito. Agad na dumating si Nanay na nasa ang mga kamay.

"Kayo na muna ang bahala sa bahay, nay. Mawawala lang po ako ng ilang araw." saad nito habang seryoso ang tingin kay nanay Emma.

"Saan ka pupunta--"

"Alis na po ako nay." Putol niya sa tanong ko sa'kanya at umalis sa harapan ng pagkain. Napayuko ako at napabuntong hininga. His cold stare and treating me parang may ginawa akong kasalanan.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon