CHAPTER 5

30K 436 17
                                    

CHAPTER 5

KANINA pa takbo ng takbo ang ginang. Kahit madilim at nadadapa siya ay patuloy parin siya sa pagtakbo sa magubat na daan.

Hindi na niya inaiisip ang kaligtasan niya pero ang anak niyang inawan sa basurahan. Gusto niyang balikan pero paano kung dalawa na silang mapapahamak.

Mabigat ang loob niya dahil sa desisyong iniwan ng anak sa basurahan. Masakit para sa ina ang mapahamak ang isang anak.

Wag kang mag-aalala anak, pag nakaligtas si mommy kukunin kita. Pero ngayon kailangan muna kitang iwan sa basurahan para mas ligtas ka sa taong gusto pumatay sa'kin...sa'tin.

Napatigil ng kamarinig siya ng kaluskos at napatago siya sa damuhan habang tinatakpan ang bibig niya gamit ang dalawang kamay. Naiiyak at puno na ang puso niya sa takot at galit.

"Nasaan na kaya 'yun, pre? Lagot tayo nito kay boss kung hindi natin nahanap 'yon." saad ng lalaki. Pamilyar ang boses nito, at sa tingin niya isa ito sa dumukot sa'kanila ng anak niya.

"Bakit ba kasi pinatatagal ni boss ang pagpatay ng babaeng iyon! Yan tuloy nakatakas!" galit na sagot ng isa pang lalaki.

"Syempre, wala pa ang pera e. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi ko ito gagawin, pare. Nakakakonsenya...pero yung anak ko delikado naman sa hospital." aniya ng lalaki.

"Bwesit kasi yang kapatid ni boss, nakatakas pa! Maghiwalay nga tayo, doon ka ako dito!"

"Sige!" Nakahinga siya ng maluwag ng naramdaman niyang palayo na ito sa deriksyon niya.

Kapatid. Tinuring niya itong kapatid pero bakit ganito ang sinukli niya? Masaya siyang malaman na may kuya siya pero hindi  naman inakalang gagawin niya ito sa'kanya.

Dahil nga hindi na pwedeng magka-anak si mama kaya nag-ampon sila. At yun si kuya Mark, ang akala niya mabait siya. May masamang balak pala itong patayin siya dahil nasa lahat sa'kanya ang kayaman nabinilin ng mga magulang niya.

At nalaman niya rin na siya rin pala ang dahilan kung bakit naaksidente sila, ang mga magulang niya. Dahil sa nalaman niya mas lalong nagalit siya dito. Wala siyang awa, minahal at binigay lahat ng gusto niya pero ito lang ang isusukli niya.

Gusto niya itong  murahin, hampasin, sampalin ng paulit-uli pero hindi magawa niya dahil nasa bisig niya ang anak. Wala siyang nagawa kundi ang umiiyak.

Nalaman niyang gusto nitong makuha ang lahat ng kayaman na sa'kanya. Gusto nitong ang kinin ang lahat ng yaman na inawan ng mga magulang niya.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon