CHAPTER 12
NAGMAMADALI akong bumaba sa hangdan ng matanggap ko ang text ni David. Nasa kompanya parin si Marco kahit 10 pm na ng gabi. Mas mabuti narin 'yon ng hindi na ako mahirapan pang iwasan siya sa mansyon na 'to.
Kinakabahan tuloy ako bakit ganitong oras gustong akong makausap ni David. I wore white jeans and a black jacket dahil alam kong malamig na ang ganitong oras ng gabi. At nakaputing sapatos narin ako. Tinawagan ko siya kung bakit hindi nalang bukas ng umaga pero ayaw niya, dapat ngayon.
Kaya inatake ako ng kaba. Habang nagbibihis ako kanina, ang daming pumasok na scenario na pwedeng nangyari. Natataranta pa akong naliligo at nagbibihis.
Hindi na ako ng paalam kay nanay dahil alam kung malalim na ang tulog nito, ayaw ko naman manggisig ng kasambahay dahil alam kong sobrang pagod nila. Madali akong nakalabas sa gate dahil mukhang tulog narin si manong guard. Lumakad pa siya ng ilang kolemetro para makahanap ng taxi.
Binigay ko ang address kay manong sa lugar na binigay ni David. Habang tumakbo ang taxi ay nakatingin lang ako sa labas ng binta. At pumasok ang posibleng scenario na mangyayari. Paano kung alam na niya? Paano kung galit siya sa'kin?
Hindi ko pa nakitang nagalit si David. Kaya natatakot ako, sa maging reaksyon niya. Kung anong gagawin niya sa'kin. Kahit puno ng takot at tanong ang isip ko ay pinuntahan ko parin siya. Siguro dapat ko narin sabahin sa'kanya. May karapatan siya. Ayaw ko narin magsinungaling, ayaw ko narin matakot sa bawat oras o araw na paano ko malaman niya?
Dapat nung una pa dapat ay sinabi ko na sa'kanya, nung una pa. Pero na duwag ako, natakot ako sa maging reaksyon niya. Kaya ko nga nagawang makipaghiwalay sa'kanya dahil sa epekto ng alak at wala akong maging rason para hiwalayan siya. Salamat sa alak dahil nagawa kong makipaghiwalay sa'kanya, pero wala naman kwenta 'yon dahil alam ko naman na hindi siya naniniwala nahiwalay na kami.
Sino bang hindi? Wala kaming pinag-awayan ng gabing 'yon, galing pa nga kami sa date. Tapos natatawag ako sa'kanya na makipaghiwalay ako, na ang pinagusapan namin nung gabing 'yon ang magpapakasal. Pero maabutan ko sa na ikakasal ako sa lalaking hindi ko kilala. Gusto kong tanungin si dad, nung gabing 'yon. Pero natili lang ako sa kinatatayuan ko. Habang nakatitig sa ama at ate niyang nag-uusap sa dining na ipapakasal ako sa lalaki, na si Marco.
Gusto kong tanungin si dad, magsalita pero nanatili ang akong tahimik at tumulo ang luha ko sa mukha. Hindi naman ako nakapagsalita, nanatili naman akong tahimik na parang hindi makapagsalita. Sanay naman ako na siya lagi ang ng dedesisyon sa buhay ko. Kahit ang kaligayahan ko pa, ay hindi ko kayang ipaglaban.
Nung isang gabing 'yon ang nagsimulang nagulo ang buhay ko. Naka- one night stand ko ang lalaking ipapakasal sa'kin. At mas naging magulo simula nung may nararamdaman akong kakaiba para sa'kanya.
It's all started in One night.
That my life will be going like this, in just one night. That everything will be changed.
"Nandito na po tayo, ma'am."
Natauhan ako sa saad ni manong. Nagbayad muna ako bago bumaba ng taxi. My eyes roaming the restaurant. Kinakabahan akong lumapit hanggang sa pinto ng restaurant. Pagkabukas ng pinto ay ang pagtunong ng paino. Nagsimulang kumunuot ang noo ko, what's going on?
Bumaling ako sa lalaking nakangiti at may hawak ng isang bouquet na sunflower. Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko. Malaki ang ngiti nitong habang lumapit sa'kin. Tumulo ang mainit na luha sa mukha ko. He wiped my tears using his thumb finger. May maliit ng hikbing lumabas sa bibig ko at sunod-sunod na tumulo ang luha ko sa mukha.
Binigay niya ang bulaklak sa'kin at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Shhhh..why are you crying?" mahina nitong saad sa'kin. Ngumuso ako at humiwalay sa yakap niya at bahagyang hinampas ang braso niya.

BINABASA MO ANG
One Night
RomansNicholas Marco Santiago was arrange marriage with a woman he doesn't even know. But fate game them... he meet the woman at the bar and they had one night stand and that one night change their life. But what will happen after he discovered that his f...