CHAPTER 14

16.7K 309 5
                                    

CHAPTER 14

"ELI... please talk to me. Babe.. please.." pero natili parin ako sa paghakbang papunta sa kusina. Buong araw ko siyang iniwisan. Ayaw ko siyang makita.  Naiinis ako kapag nakikita ko siya.

"I know... you're mad at me. I'm sorry Eli..I didn't expect mommy would announced that." mahina nitong saad niya.

"So you know? You plan it." matigas kung tanong sa'kanya bago humarap sa'kanya.

"I didn't plananything, Eli. Mom told me that she will announce that you are my fiance, that I have a fiance. But I said no, dahil alam ko na magagalit ka. I'm also shocked when mom announce--"

"Pero alam mo. Sana naman sinabi mo." putol kong sa sinabi niya.

Edi sana hindi nalang ako pumunta sa party na 'yon baka sakaling walang announce na nangyari. Sana walang ganon na nangyari. Pero wala na akong magagawa dahil nangyari na. Kahit ano pa ang sisi kay Marco at sa sarili hindi na maibabalik ang nangyari nung gabing 'yon.

Mabilis ko siyang tinalikoran at umakyat sa taas. Sumasakit na ang ulo dahil sa maraming pumapasok na pwedeng mangyari. Bawat oras na lumilipas mas lalong lumakas ang kaba ko sa dibdib at mas lalong hindi mapakali habang nakatitig sa sariling cellphone. Bawat minuto ang ang lumilipas mas lalong nadadagdagan ang kaba ko at takot sa posibleng mangyayari. Once David knows that I'm already engaged..lahat maging magulo.

Napatingin ako sa pinto ng may biglang kumatok. "Nak...?"

"Pasok po 'nay" saad ko tapos umayos ng upo sa kama.

Pumasok si nanay Emma dala-dala ang mga damit kong nakatupi na. "Ilalagay ko lang sa kabinet mo 'nak." tumango ako bilang sagot ko sa'kanya.

Nakatitig lang ako sa bawat galaw ni Nanay Emma. Sa fifty-eight years old ni Nanay Emma hindi mo makikitang matanda na siya. May kaunting puti sa buhok, sakto lang ang katawan at sakto lang ang height nito. Makikita mo kung gaano pa kalakas si nanay, hindi mo akakalain na fifty-eight years old na ito.

At sobrang nakakahanga si nanay Emma, nakaya niyang hindi mag-asawa. Sa mga kabataan ngayon maagang ng asawa at naging ina. Pero hindi ko sinasabi na masama ang mag-asawa at maging ina pero sana dapat ang una nilang isipin ang pag-aaral at maging future nila. Yang pag-asawa at paging ina at dadarating yon sa tamang panahon. Wag madaliin ang pangyayari. May tamang panahon para doon.

"Ba't hindi po kayo nag-asawa nay? Wala po ba kayong naging boyfriend?"

Humarap sa'kin si nanay at ngumiti. "May naging nobyo ako 'nak. Pareho kaming taga-probinsya, mahal ko siya...mahal namin ang isa't-isa pero hindi ibig sabihin kapag mahal ninyo ang isa't-isa ay para nakatadhana na kayo..lumuwas ako sa manila para magtrabaho para pag-aralin yung dalawa kong kapatid. Wala na kaming magulang, ako na ang tumatayo bilang ina at ama sa mga kapatid ko. Syempre dahil ako ang nakakatanda sa'kanila at ang gusto ko lang naman ang paaralin sila.. pumunta ako sa manila. Ilang taon akong nagtrahabo ng silbi sa mag-asawang Santiago..pagkabalik ko sa probinsya namin nalaman ko nalang na kinisal na siya. May dalawang anak na siya..masakit pero ganon talaga. Hindi na sana ako babalik sa mag-asawang Santiago pero dahil sa nangyari, dinala ko nalang ang dalawang kapatid ko sa manila at doon pinatapos sa pag-aral. Ngayon may magaan na silang trabaho isang teacher at nurse na ang dalawang babae kong kapatid. May sariling anak at asawa narin." may ngiti sa labing saad ni Nanay. 

"Kaya po ba hindi kayo nag-asawa, dahil sa nangyari?" Mahina kong tanong dito.

Tumalikod si nanay Emma sa'kin at nagpatuloy sa pagaayos sa damit ko sa kabinet. Marahang tumango si nanay Emma. "Siya lang ang minahal ko...at hindi ko narin kayang iwan ang mag-asawang Santiago dahil napamahal narin sa'kin at lalo na nung nawala si Marco sa'kanila. Tinuring kong mga anak ang mag-asawang 'yon...at sobrang swerte ko sa'kanila dahil tinuring din nila ako na parang isang pamilya." humarap sa'kin si nanay Emma na maluluha kaya marahan akong lumapit sa'kanya at yumakap dito.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon