CHAPTER 9

23K 430 18
                                    

CHAPTER 9

MALAKI ang ngiti ko habang papasok sa bahay namin. Masayang binati ko ang mga katulong pumasok sa dining ng bahay.

Kumikinang ang mga mata ko ng makita ko ang favorite kong cake. Isang chocolate cake may nakalagay na anim na cadle sa ibabaw, may nakalagay na

Happy 6th birthday Elizabeth Faye

At mga iba't-ibang pagkain ang nakahanda sa table.

"Happy birthday Eli.... Happy birthday Eli.. Happy birthday, happy birthday....happy birthday to you..." mas lalong lumaki ang ngiti ko ng kantahan ako ng ate ko at mga kasambahay namin.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Tinignan ko isa isa ang mga tao sa'min. Dahan-dahan nawala ang ngiti ko sa labi ng matantong, wala siya.

Hindi niya ba ako babatiin? Nakalimutan ba niya? Busy ba siya?

Ang naalala ko ng five years ako mismo sa birthday ko wala din siya.

Bakit dad?

"Blow the candle na Eli!" masiglang saad ng ate sa'kanya. I force myself to smile and then I close my eyes.

Lord, this is only one thing I want to wish for.....to my next birthday I want my dad here. I want to celebrate my next birthday with him.

Marahang hinipan ko ang candle at sabay na minulat ang mga mata. Kumapalakpak naman ang mga tao. Sinuklian ko sila ng maliit na ngiti.

But to my next birthday, wala siya. I'm hoping na he will come to my next birthday again but he didn't come again.

Every birthday pass, walang anino ni dad ang nagpapakita sa'kin. Kahit paulit-ulit lang ang eksenang 'yon. Umaasa parin ako na tuwing birthday ko ay nand'yan siya.

Pero wala.

Umiiyak nalang ako palagi tuwing birthday ni ate dahil nandoon siya, kasamang tumawa at kinakausap si ate. At may regalo pa.

Samantalang ako, wala siya. Walang regalo. Hindi man lang ako kinakausap. May sakit ba akong nakakahawa? May mali ba akong nagawa?

Ginawa ko naman lahat ng gusto niya. Mataas lahat ng marka ko sa paaralan pero bakit hindi man lang niya ako napansin? Bakit hindi niya ako nakikita?

Tingin ko tuloy hindi ako nage-exit sa mundo. Tuwing ako lang magisa sa kwarto para akong nasa isang lugar na ako lang ang nabubuhay. Ako lang mag-isa

Napapatanong tuloy ako sa sarili kong anak niya ba ako? Kung mahal niya ba ako? Kasi parang hindi ko ramdam e. Ang sakit sakit lang, pagdating kay ate ibinigay ang lahat. Ba't sa'kin wala.

Ano ba ang kailangan kung gawin para makita mo ako dad?

"HEY, tama na 'yan." mapupungay akong napatingin sa gawi niya.

"Why are you drinking?" tanong nito sa'kin. Napangiti ako ng mapait at napatawa ng mahina.

"Wala lang." walang ganang sagot ko sa'kanya. Medyo na e-epektohan narin ako ng alak kong ininom.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon