SPECIAL CHAPTER

21.5K 434 65
                                    

A/n:

I hope you enjoy this special chapter. Ily mga puso ko!

SPECIAL CHAPTER

"MOMMY..."

Bago ako lumingon sa deriksyon ng maliit na boses na 'yon ay palihim kong pinunasan ang luha sa mukha ko at tumikhim.

"Come here, baby."

Inosente naman itong tumingin sa'kin at lumipat ang tingin sa tv.

"Dada?Dada!" saad niya habang turo turo ang tv. Ngumiti ako sa'kanya at kinandong sa hita ko.

"Mommy, where's dada?" Ngumuso pa ito habang inosenteng nakatingin sa'kin.

Hinaplos ko naman ang buhok niya at hinalikan sa noo.

"Your dada is working, nagpaalam naman si dada kanina diba?"

Kumibot ang maliit at manipis nitong labi at tumitig uli sa tv.

"...you may now kiss your bride."

Natawa ako ng mahina ng marinig ko ang maliit na tili ng anak habang tinatakpan ng mga maliit na kamay niya ang mga mata.

Kinuha ko ang remote and I stop the video.

"Why are you covering your eyes, baby?"

She slowly down her small hands and looked at me. Nagsalubong ang mga mata namin, pareho talaga sila ng mata ni Marco. Tuwing napatitig ako sa isa sa'kanila mas lalong pinagmukha sa'kin na walang namana ang anak ko sa'kin. Maliban sa shape ng kilay niya at straight niyang buhok ay wala ng iba pa.

Itong si Meg lang ay may nakuha sa'kin ng kaunti pero si Mor, Marco na Marco. Pati expression nito, kuhang-kuha sa ama.

"Ehh...Nanay Emma said it's bad daw if I watched kissing and kuya More said that I should cover my eyes... mommy am I bad?"

Mabilis akong umiling. Three years old palang itong kambal ko pero masyadong mature ang pag-iisip nila hindi tulas sa ibang bata. Lalo na itong si Mor, hindi ko alam kung saan niya natutunan ang mga bagay na hindi ko naman tinuro sa'kanya. Talagang magugulat nalang talaga ako sa mga lumalabas sa bibig niya.

Pero si Marco, tumawa lang ito para bang natutuwa siya sa sinasabi at ginawa ng anak niya.

"No, baby. Hindi ka bad, pero bawal muna manuod ng kissing ha? Okay lang ba baby?"

Abot sa mata naman ang ngiti niya habang tumatango sa'kin.

"Mommy..bakit po kayo ng ki-kiss ni dada sa video?" mahina kong kinurot ang pisngi nito at napatawa ng mahina.

"..at bakit po kami nandoon ni kuya More but we're still baby?" Inosenteng tanong ng anak sa'kin.

Pagkatapos kong manganak ay pareho kaming naging busy ni Marco. Siya sa kompanya at ako naman ang pag-aalaga ng kambal namin. Tuwing uuwi siya galing trabaho ay nakakaya niya paring bantayan ang dalawang kambal.

Minsan nagigising nalang ako na pinagbreastfeeding niya ang kambal kahit tulog ako. Ayaw kasi ng kambal ng gatas na binili talagang dapat galing sa'kin. Naawa na si Marco sa'kin dahil dalawa daw ang ipapabreastfeeding ko.

Mahirap lalo na kapag sabay na umiiyak ang dalawa hindi ko alam kong anong uunahin ko sa'kanila pero nagpapasalamat parin ako kasi laging nasa tabi ko Nanay Emma at si Mommy para tulungan ako. Lalo na  sa pagliligo ng kambal at sina papa at daddy naman ang lalabas sa mansion para masinagan ng araw ang kambal.

Mahirap pero masaya. Tuwing natutulong sila at magkahawak kamay ay maiiyak ako sa saya. Parang bawi-bawi ang sakit ng pinanganak at kulang ng tulog. Ako na ata ang pinakamaswete na tao at ina ng dumating sila sa buhay ko.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon