CHAPTER 13

18.1K 310 14
                                    

CHAPTER 13

KANINA pang nakakunot noo ko habang tinitignan siya. Why he's still here? Hindi ba siya papasok. Habang kumakain kami kanina ng breakfast ay nakatutok lang ang mga mata niya sa laptop. Sa bawat pinupuntahan niyang lugar ay dala dala niya ang laptop niya.

At ako hindi makalabas dito. Tumingin ako sa gawi ng dalawang bodyguard sa loob at may dalawa pa sa labas. Ang sabi ni Nanay hindi pa daw dumating ang iba apat pa lang daw ang unang dumating dito sa mansion. So, kumuha pa siya ng maraming bodyguard para masigurado niyang hindi ako makakalis dito. Ang galing. Pinagplanohan talaga niya.

Binigyan ko siya ng masamang tingin kaya sumulubong naman ang makapal niyang kilay. I rolled my eyes at him at umakyat sa taas.

Bwesit ka Marco!

Pinagsususuntok ko ang unan at tinapon sa kung saan.

Napatigil ako ng vibrate ang phone ko. Walang ganang tinignan ng text ng kaibigan.

From Jona:

So, how's your date?

Nag-text naman ako na 'okay lang.'

From Jona:

Labas tayo. Libre mo naman ako sis, mayaman naman yang fiance mo e.^_^

Ano bang sinsabi ng babaeng ito. Mabilis ko itong sinagot.

To Jona:

Hindi na ako makakalabas ngayon. Maraming ng nakabantay sa'kin.

Hindi na ako nagulat kung tumawag agad ang kaibigan. Agad din ng ring ang phone ko, sanabi ko na nga ba. Ayaw talagang magpahuli sa tsismis itong kaibigan ko.

"Bakit anong nangyari sis? Isa bang Mafia boss si Marco?! Dilikado ka sis, umalis kana d'yan!!"

"Ano bang pinagsasabi mong Mafia boss?!"

"Hindi ba sabi mo maraming nakabantay sa'inyo. Basta yung maraming bodyguards nakabantay sa bahay."

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo, Jona. Ang sabi ko maraming bodyguards dito dahil ayaw akong palabasin ni Marco. Hindi daw kasi ako nagpaalam sa'kanya na umalis kagabi. Kaya ayan, maraming nakabantay sa mansion. May sira na ata siya sa ulo."

Narinig niya ang paghugot ng isang malalim paghinga ng kaibigan.

"Ano bang nangyari sayo, Jona. Yan na ang nagyayari sayo kakabasa mo ng novels."

"E malay ko ba kung totoo pala may Mafia boss." umiiling nalang ako sagot ng kaibigan.

"Sige na. Bye." hindi na niya hinintay na magsalita ang kaibigan at binaba ang tawag. Mas lalo siyang nangigigil sa galit at tinapon ang cellphone sa kama.

Napatingin ako sa gawi ng pinto ng may kumatok.

"Anak?"

Agad akong napabangon at binuksan ang pinto.

"Nay...bakit po?"

"Bumaba ka daw sabi ni Marco, may pag-uusapan daw kayo." mahina akong tumango dito at lumabas sa kwarto.

Sumabay akong bumaba kasama si nanay. "Ano daw ang pag-uusapan namin, nay?"

"Hindi ko alam anak. Bakit napadalas ang pagkukulong mo sa kwarto anak? Nag-away ba kayo ni Marco?" mabilis akong umiling dito.

"Wala nay. May kunting hindi pinagkakaintindihan lang po." saad ko dito. Hinawakan ni nanay ang braso para bang hinahaplos nito.

"Pagusapan niyo ng mabuti 'yan. Pagmag-asawa na kayo, dapat idaan sa usapan wag sa tampohan dahil walang magagawa ang tampohan niyong yan. Magusap kayo, anak."

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon