CHAPTER 26

17K 300 10
                                    


CHAPTER 26

"MORNING, babe.." napangiti ako habang nakapikit. Naramdaman ko ang paghawak niya sa tiyan ko at paghalik nito.

"Morning, son.." son?

I slowly open my eyes and smile at him. Tumaas naman ang kilay ko.

"Son? Sure kang lalaki yan?"

Binigyan niya ang isang matamis na ngiti at marahan niyang hinaplos ang mukha ko kaya napapikit ako sa ginawa niya.

"Malay mo. Bakit ano bang gusto mo? Babae?"

Napangiti ako sa suggestion niya. Well, kahit anong gender ng baby namin ay tanggapin ko ito, at mamahalin.

"Kahit ano naman. Pero gusto ko yung girl version mo. I'm sure maraming manliligaw non."

Nilagay naman niya ang buhok ko sa ilalim ng tianga at hinalikan ako sa noo.

"Walang kakalapit na manliligaw sa maging anak nating babae, babe. Papalibutan ko na nang maraming bodyguard, para walang makakalapit sa anak nating babae."

Kinurot ko ang tiyan niya at binigyan ko siya ng masamang tingin. "Ang strikto mo naman! Paano kung mainlove pala ang anak natin sa isang bodyguard na kukunin mo?" Ngumisi naman ako sa tanong ko. Tignan natin kung anong sasagutin niya. Hindi pa nga alam ng maging gender ng baby namin ang strikto na niya.

Mukhang mahihirapan ang babae naming anak ah?

Umiling ako. Hindi pa nga ako nakaka-anak kung ano-ano na ang iniisip ko.

"Edi tanggal agad. Gagawa ako ng rule bawal mainlove o magustahan ang anak natin."

"Talaga lang ha?"

He kissed the top of my nose. "Yes. Pero mas gusto ko girl version mo." Mahina naman akong napatawa.

"Tumigil na nga tayo. Hindi pa nga lumalabas itong baby natin, ang strikto muna. Kung lalaki anong gagawin mo? Papalibutan mo rin ng maraming bodyguard?"

"Pwede rin. Pero babaeng bodyguard nang makalat naman ng kagwapohan ko." Lumakas ang tawa ko.

"Ginawa mo namang playboy ang anak natin! Naku ang sakit sa ulo ninyo! Kahit siguro hindi mo palibutan ng babaeng bodyguard, magmamana talaga 'yon sayo! Naku, ewan mo nalang talaga!"

"Hindi naman ako playboy babe." ngumuso pa niya.

"Ah talaga?! Sabi mo pa nga 'No. We just sex, nothing more nothing less' " ginawa ko pa ang boses niya yung nasa mall kami. Ang manunuod sana ng sine ay nauwi sa pagkain ng street foods. Dahil sa mga batang estudyante natutuwa ng makita si Marco.

Napatawa ako sa pag ngumuso niya. "Nagbago naman ako ah." Umiling nalang ako at napangiti. Kinurot ko ang dalawang pisngi niya at na aray sa sakit. Tumawa lang ako at bumangon para magshower.

"Sasabay ako!"

"D'yan kalang!"

"Ayaw mo bang makita ang abs ko?!"

Tumawa ako at napailing bago sinarado ang pinto. Ang yabang talaga! Dahil lang may abs siya ay nagmamayabang na!



"ATE Elly? Ano po ang ginawa niyo dito?"

"May gustong makausap ka." Kalmadong sagot naman ni ate Elly. Bumaling ang tingin ko sa isang lalaking natunuring kong ama.

"Pasok po kayo Sir." Dinala ako ni Marco sa living area at umupo kami sa long sofa. He hold my hand tightly and he smile at me.

"I'm here." bulong niyang saad sa tainga ko.

Tahimik ang buong living area at naghihintay kung sino ang unang magsasalita at babasag sa katahimiman.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon