EPILOGUE

21.4K 381 17
                                    


EPILOGUE

SIGURO tama nga siya, lahat ng bagay ay may dahilan. May dahilan din kung bakit naging ganon ang nangyari sa'min ni Marco. Siguro, isang pangyayari sa buhay na kailangan mong harapin at hindi mo kayang iwasan.

Kapag nakatadhana ang lahat, mangyari at mangyayari talaga.

Napangiti ako habang hinahimas ang tiyan ko. Kabuwanan ko na. Isang linggo nalang ang hinihintay namin at makikita ko na ang baby ko.

"Anak?"

"Pa, nandito po ako!"

"Kanina kapa hinahanap ng driver mo. Umuwi ka na daw."

Napangiti ako at napatingin sa langit. I know you're happy there.

Lumapit si dad sa'kin at inaalalayan akong tumayo. Pinagpawisan ako dahil lang sa pagtayo. Napatawa lang ng mahina si dad.

"Hatid na kita. Itong apo ko ang hilig sa gumala. Kahit malapit ng kabuwanan ng mommy niya, at hirap na hirap ng humakbang pumupunta parin dito. Tsk. Tsk." Nakaabay naman ako kay papa.

Five months na baby ni Ate. Nang makita ko  bagong silang nilang baby parang gusto ko naring manganak, ang sarap pisilin ng mukha niya at cute cute tapos yung mukha niya mapulala pa. Ang gwapo ng baby boy nila. Tapos nung dahan-dahan nitong binukas ang mata, nakuha niya rin ang mata mommy. Pinaghalong si ate Elly at kuya Ronald ang mukha ng baby nila.

Pero si dad inakaako na mukha niya ang apo niya. Umiling nalang kami ni Ate Elly. Hindi nalang kami magsasalita pa.

Huminto kami sa isang mansion. Napangiti ako, naalala ko kung gaano ako kamangha nung una akong nakapunta dito. At lalo na kapag nasa loob.

Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob. Agad na tumayo ang isang lalaking puno ng pag-aalala ang mukha.

"Babe...hindi ka naman ng paaalam sakin." Saad niy sabay lapit sa'kin. Hinalikan niya ang gilid ng noo at  ang isang kamay niya ay nasa tiyan ko humaplos at isang kamay naman niya ay sumusuporta sa byewang ko.

"Ang OA mo talaga Marco!"

"Anak!"

"Dear!

Napatawa ako ng lumabas si Nanay Emma at si mommy galing kusina at may dala pang sandok ang dalawa.

"Hihimatayin ata ako dito sa anak ko, nagising pa ko sa tawag niya tapos sasabihin niyang nawawala ka! Jusko! Saan kaba kasi nagpupunta anak?!"

"Pasensya na po. Binisita ko lang po papa."

"Magpaalam kana susunod Eli ha? Hala kumain na tayo." saad ni Nanay Emma bago umalis.

"Mabuti pa. Let's go, dear."

NAHIHIRAPAN naman akong yumuko para kunin ang mga dahong nasa pangalan niya. Inayos ko ang lagay sa bulaklak habang si Marco naman ay nagsindi ng kandila.

Six months na ang nakalipas pero sariwa parin ang nangyari lalo sa taong nagmamahal sa'kanya. Mahirap tanggapin pero wala ka namang magagawa kundi tanggapin 'yon.

Masaya akong hindi kana nahihirapan. Atleast d'yan wala na ang sakit. Kaya nagpapasalamat ako kasi nakikila ko ang tulad mo. May isang tulad na  mo na minahal ako, kahit naging ganon ang relasyon natin.

Thank you for realizing me, kung anong nararamdaman ko.

David, salamat sa pagdating sa buhay ko.

Salamat sa pagmamahal mo sa'kin. Hindi-hindi kita malilimutan, kami...hindi ka namin makakalimutan.

"Eli.." nanghihina akong lumapit sa kama niya at napaluhod sa gilid ng kama niya.

"David..." ang pagod niyang mga matang ay nakatingin sa'kin.Umagat ang kamay niya sa mukha ko at pinunasan ang luha ko gamit ang point finger niya.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon