CHAPTER 23

20.5K 332 10
                                    


CHAPTER 23

KANINA pa ako nakatitig sa kalendaryo. Two months nalang at maging tapos na ang lahat kung gugustuhin ko. Ang bilis ng panahon at hindi ko napansin sa isang buwan nakalipas. Naging masaya ako at naging mabilis ang oras at hindi ko napansin ang araw na lumilipas

Totoo nga ang sinasabi nila kapag kasama mo ang taong importante sayo o ang mahal mo sa buhay hindi mo na talaga mapapansin ang nakalipas sa minuto, oras, araw,gabi, buwan at taon kapag kasama mo sila. Kasama mo siya.

"Babe? Let's go?" Agad akong napangiti at lumabas sa kwarto namin. Bumaba ang tingin ko sa tiyan ko. One month and 1 week and tiyan ko at klaro na klaro na buntis ako. Marahan ko itong hinaplos at napangiti.

Takot at saya ang nararamdaman ko. Sa bawat oras na lumilipas, mas lalong nadadagdagan ang takot ko. Laging pumasok sa isip ko na paano kung hindi ko maparamdam sa'kanya ang pagmamahal? Paano kung ayaw niya sa'kin? Paano ko siya susuyuin? Paano ko siya papatahanin? Paano ko siya aalagan ng tama? Kung ako mismo hindi ko nakita o naramdaman kay daddy paano ko pa kaya iparamdam sa maging anak ko ang mga bagay na matagal ko ng inaasam.

Pero hanggang ngayon, sabik parin ako sa pagmamahal ni Dad. Sobrang sakit lang na parang wala siyang pakialam sa maging anak ko ang maging apo niya. Kahit man lang sa baby ko lang ipakita kung paano siya magmahal at mag-alaga pero bakit kailangan niya pang damayin ang maging apo niya?

Alam kong galit siya sa'kin, pero wag naman niyang damayin ang anak at maging apo niya. Kung hanggang ngayon ay galit parin siya at hindi niya matanggap na ako ang naging dahilan kung bakit nawala si mommy, 'di sa'kin niya ibunton ang lahat ng galit niya kung hindi parin siya sa tapos sa pagpaparusa sa'kin, sa'kin nalang. Wag lang sa anak ko. Dahil wala namang ginawang masama ang anak ko sa'kanya.

Pero sa ilang buwan ang nakalipas ay napantayan ang lahat ng sakit at pagmamahal dahil kay Mommy, Daddy, Nanay Emma, Jona, Ate Elly, David at Marco ay unti-unti nang naghihilom ang sakit dahil sa'kanila dahil sa mga taong ito, sa mga taong nakapalibot sa'kin.

Na nagpaparamdam sa'kin na nag-i-exist ako sa mundong ito. Pinaparamdam nila sa'kin, na kailangan nila ako. Na may taong nag-aalala sa'kin. May nag-aalaga, may mga taong nakikita ang halaga ko. Hindi yung mga nakaraan nakalipas, mga bagay na hindi ko naman ginawa ay nags-suffer ako.

Alam ko na nand'yan palagi ang ate ko, si Jona at David pero iba parin ang pagmamahal at atensyon ni daddy.

Pero ngayon alam ko na kung anong pakiramdam na may taong, nagmamahal sayo, nag-aalala at nag-aalaga ang sarap pala sa pakiramdam? Ang gaan pala sa pakiramdam? At iba yung klaseng saya, basta kasama mo sila at naramdaman mo na mahal ka nila. That you're important.

"Eat more healthy foods, Mommy. Mas maganda po kung gulay at prutas ang kinakain natin para mas maging healthy si baby. Sa ngayon po, healthy naman si baby at kailangan po nating i-maintain yun. Just maintain eat healthy foods, pwede niyo rin po sabayan ng exercise. Hindi lang si baby ang healthy dito, kundi kayo rin po. Dahil kung healthy si mommy, mas healthy si baby." Ngiting saad ng doctor na babae.

Kahit kinana ko pa inipigilan ang sarili na umirap dahil kanina ko pa ito napapansin ang pasimpleng pacute ng doctor nito kay Marco.

Nagkasalubong ang kilay ko at hindi maipinta ang mukha habang palabas ng room ng doctor na nag-check up sa'kin.

Dapat kasama ko si ate Elly dito kaso sobrang nahihirapan si ate ngayon sa pagbubuntis niya. Pangatlong beses ng dinala si ate Elly sa hospital dahil sa pagdudugo nito. Gladly because of the baby he strongly fought despite the happening. Yes, it's a boy. Nag-text sa'kin si ate kung anong naging gender ng pamangkin ko,  at sa hindi natuloy celebration dahil sa nangyari.

One NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon