CHAPTER 1: Meet Them

66 2 0
                                    

Krizzia's POV

"Señorita, gising na po." Naramdaman kong may yumu-yugyog sa katawan ko.

Dahan dahan akong dumilat si ate Lenlen ang nakita ko. Siya ang kasambahay namin.

"Señorita, bakapo malate kayo sa school."

Tuluyan na akong nagising ng maalala kong ngayon na pala ang unang araw ng klase.

"Waaa! Anung oras na po?" Nagmamadali akong bumangon sa kama at tumakbo sa sarili kong banyo.

Bubuksan ko na sana ang shower ng matigilan ako. Ugh! May damit pa pala ako!

~~~~

Labelle's POV

"Hija, the breakfast is ready." Katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko.

"Okay." Tinatamad kong sagot. Inaayos ko muna ang kuwelyo ng uniform ko at muling punsadahan ang itsura ko sa salamin bago lumabasa ng kwarto.

"Don't give me that facial expression Larisa Issabelle. Nasa hapag kainan tayo." Lalo tuloy akong napasimangot.

Bakit? Dahil ngayon ang unang araw ng klase. Hindi sa ayaw kong pumasok. Pero labis akong naiinis dahil sa ginawa ni mama. Inilipat lng naman niya ako ng eskuwelahan.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagtransfer pa ako ng ibang school eh hindi naman kami lumipat ng bahay.

Huli na ng malaman kong si Mama ang nag ayos ng mga papel para dun ako pumasok XoXo Academy. Wala na akong magawa, ilang beses ko na rin siyang tinanong ngunit tanging "para sa ikabubuti mo rin ito Larisa." ang sagot niya.

Ikabubuti? Paano naman niya nalamang magiging mabuti ang lagay ko dun? Eh balitang balitang puro mayayabang ang tao sa school na iyon.

"Larisa Issbelle! 'Wag mong simangutan ang pag kain!" Galit na sabi ni mama.

"Ok. But i'm not going to school." Pagmamatigas ko.

"Then try me."

Lihim akong napa sigaw sa isip. Kilala ko si mama. Hindi ito nagpapatalo sa kahit ano mang laban. Ano pang silbi ng isang pagiging abogado niya?

~~~~

Jacelyn's POV

"Oh hija, tapos kana? Hindi mo pa nauubos ang almusal mo." Nilunok ko muna ang nginunguya kong hotdog. "Ayos na po Tita, naubos ko naman yung gatas." Isinuksok ko ang bag ko sa balikat.

"Sure ka?" Tanong ulit niya. Ang kulit lang. Hehehe. Pero love ko iyang tita ko.

"Yes po." Lumapit ako sa kanya at hinalika siya sa pisngi.

"O sya. Mag iingat ka ha? Sige na at baka mahuli ka pa sa klase mo, fisrt day pa naman ngayon."

Ngumiti ako nag paalam na. Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng bus ay may bigla akong naalala. Kelangan ko palang mag isip ng gagawing hakbang sa pagtungtong ko sa sikat na school na papasukan ko.

Sa wakas nagawa ko ng pasukin ang teritoryo nila.

Magkikita tayong muli...

~~~~

Akiesha's POV

"Xoxo Academy." Pagbabasa ko sa malaking sign arc sa gate ng eskwelahan sa kinatayuan ko.

"Señorita, paano po aalis na po ako. Babalik na lang po ako mamaya para sunduin po kayo." Nilingon ko si Mang Rudy. Siya ang family driver namin.

"Ay, nandyan pa po pala kayo." Inaayos konang suot kong salamin. "Sige po, mag iingat po kayo. Ba-bye po." Kinawayan ko si mang Rudy.

Ngumiti ito bago sumakay ng kotse.

Habang naglalakad papasok sa loob marami na akong nakitang pakalat-kalat na estudyante. Kipkip ang hawak kong libro nagpatuloy ako sa paglalakad at inayos kong ulit ang suot kong eyeglasses.

"Andyan na sila!" Sigaw ng isang babaeng estudyante. Kasunod nun nagtilian ang mga kababaihan ang nagtakbuhan, hindi kaagad ako nakakilos ng sa direksyon niya nagtakbuhan ang mga ito.

Ang resulta, ayun nahulog ang mga hawak kong libro. Wala man lang kahit isa nag sorry kahit nababangga na ako.

"Ano ba? Tumabi ka nga diyan!" Sabi pa ng isa sa akin.

"Waaa--teka--aray!" Tuluyan na akong natumba.

Dahan dahan akong gumapang upang pulutin ang mga libro sa sahig. Napangiwi ako ng maraamdaman kong masakit ang puwetan ko.

Sa totoo lang masakit talaga iyon. Pinagpag ko ang uniform ko at inaayos ang sarili. Napalingon naman ako sa mga estudyanteng nagkakagulo. Isang tumpok iyon, ngunit unti-unting nahati iyon sa gitna and there. Isang grupo ng estudyante ang bumungad sa kanya.

Huh? Sila ba ang....exo?

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero habang naglalakad sila tila naging slow motion ang bawat kilos ng mga ito.

Ngayon ko palang nakita ng personal ang mga nito. Dahil dakilang fan ng pinsan niya ang mga lalaking ito ay nakita ko na sila sa picture. Pero ayon sa nakalap kong balita sikat nga daw ito dahil na rin sa mga maimpluwensyang pamilya nila. Bukod dun eh pinalad pang naging gwapo ang mga genes ng pinang galingang angkan ng mga lalaking ito.

Nang magsabog ang kalangitan ng kasuwertehan nasalo na ng mga ito ang lahat. Life is so unfair you know?

Napako ang mata ko sa isang singit at maliit na lalaki. Tahimik lang ito kumapara sa mga kasama nito. Ay hindi lang pala ito. May dalawa pa pala itong kasunod na tahimik din.

Muntikan ko ng mabitiwan ang mga librong kipkip ko ng mapatingin sa akin ang singit na lalaki. Pero saglit lang naman iyon at ibinaling na ulit niya ang tingin sa unahan niya.

Ang cute sana ng mukha niya, parang.... siopao? Hehehe.

Kaso mukhang suplado.

~~~

Nseuislan's POV

"3-A... sh*t." Napatampal ako sa noo. Kung minamalas ka nga naman o.

Sa dami ng section na mapupuntahan ko dun pa. Asan ang hustisya?! Ugh!

Damn it Reyger! I will kill you after this!

Naku! Kakalabuhin ko talaga ang kapatid kong iyon matapos ko lang pustahan naming ito.

Wait. Alam ko nagtataka kayo, oh well mag i-explain ako.

Andito lang naman ako sa school na ito dahil sa pustahan namin ng siraulo kong kapatid. Ah mali pala, pamba-blackmail ng kapatid ko. Tinago kasi nito ang diary ko. Ilalabas lang nito iyon kapag naka pag pa autograph ako sa exo.

Exo? Letse! Ni wala nga akong alam sa exo exo na iyan. Pero no choice ako kasi kelangan kong mabawi ang diary ko. Nakasulat pa naman lahat ng sekreto ko dun. Isa dun ang nararamdaman kong paghanga sa kaibigan nitong si Lancer. Hindi pwedeng malaman ng kapatid ko!

Tbc. :-)

When EXO turn into a Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon