CHAPTER 15: War again?

11 1 0
                                    


Fallon's POV



*flashback*



Halos mag wala na ako mapuntahan lang ang kakambal ko. "Fvck!" Sigaw ko sa dalawa at lumapit sa kay Farahmae na wala ng malay at nasa bisig ng lalaking may hawak dito.



"Sh!t Baek! Anong ginawa mo?"



"Pvtah wala akong ginagawa Chen! Anong gagawin ko?"



"Ikaw. Kalagan mo ko dito!" Singhal ko sa lalaking nakatayo sa likod ko. "Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko i swear hahanapin ko kayong dalawa!" Nanggigigil kong turan.

Tinanggal nito ang tali niya. Agad kong nilapitan si Farahmae. "Farahmae wake up. Hey sis, wake up." Tinampal ko ang mukha nito. Pero hindi itong gumalaw. "I need to take her to clinic." Akmang kukuhanin ko si Farahmae ng mag salita ang lalaking may hawak dito.



"Ako na. Hindi mo siya kayang dalhin mag isa." Tumayo ito habang buhat buhat si Farahmae.



"No way!" Protesta ko.



"Tama si Baekhyun, hindi mo siya kayang dalhin mag isa sa clinic."



Mabilis naming dinala sa labas si Farahmae. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ng isang estudyante.



"Move!" Sigaw ng lalaking may buhat dito.

Sinalubong kami ng isang medical staff. Mabilis akong sumunod ng ihiga nito ang kapatid ko sa isang stretcher. Pinanuod ko bawat galaw at ginagawa ng nurse na nag eexamine kay Farahmae.



"Anong nangyari sa kanya?" Tanong nito.



"Hinimatay siya mga 15 minutes ago. Is she okay?" Nag aalalang tanong ko.



"Normal naman ang pulse niya. Nawalan lang siya ng panandaliang malay."



"Fallon! Anong nangyari kay Farahmae?" Bigla nag si sulputan ang mga kaibigan kong si Labelle at Feireese sa likod ko.



"She passed out a few minutes ago." Sagot ko.



"Is she okay?" Tanong ni Feireese.

When EXO turn into a Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon