Jacelyn's POV
"Hi!" Napalingon ako sa likuran ko.
"Hello Siwan." Nakangiting bati ni Nseuislan.
Tumingin sa akin si Siwan. Gwapo naman ito. Pero bakit sa tuwing titignan ko siya hindi nag kakaroon ng kakaibang reaksyon ang puso ko. "H-hi.." nginitian ko siya.
"Sorry girls kung medyo naiistorbo ko kayo, may gusto lang kasi akong itanong kay Jace, kung ok lang?"
"Naku, ok na ok!"
"Thanks. Ah Jace, may gagawin kaba mamaya?"
"B-bakit?"
"Gusto kasi kitang ayain lumabas... kakain lang naman tayo."
Kitang kita ko ang mga reaksyon ng mga baliw kong kaibigan. Kinilig ang mga baliw.
"H-ha? Eh kasi Siwan...ano eh..." Ano isasagot ko? Tatanggapin ko ba?
Bakit hindi? Ito na ang paraan para makaiwas ka kay Luhan. Biglang pumasok sa isip ko ang bagay na iyon.
"Jace?"
"Ahm, okay sige pumapay--" sabay sabay kaming napatili ng may sumapak kay Siwan.
Bumalandra si Siwan sa sahig. At ang may kagagawan niyon? Si Luhan.
"Winarningan na kita di ba? I told you to stay away from my girl!" Susugod itong muli kay Siwan.
"Luhan!" Mabilis kong pinigalan ito. "Ano bang nangyayari sa iyo?"
"Why did you ask him?"
"Stop it Luhan! You're acting like a jealous boyfriend!"
"What if i am?"
Nagulat ako inaamin ko. Pero... "N-no! You're not." Nilapitan ko si Siwan na nasa sahig putok ang labi nito.
"Bakit ba kinakampihan mo ang gag*ng iyan?"
"Hindi ko siya kinakampihan. Bakit ba ang init ng dugo mo kay Siwan?"
"Dahil pinakikialaman niya ang 'pag aari' ko at iyon ang ayaw ko sa lahat."
"Walang sayo Luhan." Tinulungan kong tumayo si Siwan. Pero may humatak ng braso ko.
"Fvck! I thought we're okay last night? Isang araw lang akong hindi pumasok parang balewala lang yung nangyari sa bahay?" Narinig kong napasinghap ang mga tao sa paligid ko kasama ang mga kaibigan ko.