Jace's POV
Pumasok ako sa isang abandonadong pabrika ng makarinig ako ng ingay, sigawan na tila may gulong nangyayari. Ilang kalalakihan ang nasalubong ko na kumakaripas ng takbo.
Lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Agad akong na patakbo sa pinanggalingan ng mga ito. Ngunit isang lalaki ang nakabungguan ko.
Kahit medyo dumidilim na malinaw sa akin ang itsura nito.
"Tol umalis na tayo!" Sigaw ng isang kasama niya. Kumaripas na ito ng takbo. Ganon din ang ginawa ko ngunit sa ibang direksyon na tinungo ng lalaking iyon.
Nilibot ko ang loob ng may kadilimang pabrika. "Kuya?" Tawag ko sa karimlan. Madilim at tahimik ang lugar na iyon may takot man akong naramdaman, inalis ko iyon sa utak ko. Kailangan kong matagpuan si kuya.
Paikot ikot na ako sa loob habang patuloy na tinatawag ang si kuya.
Pakiramdam ko tumigil sa pag tibok ang puso ko ng may maaninag akong isang lalaking nakahandusay sa sahig. Dahan dahan ko iyong nilapitan at habang papalapit ako nadadagdagan ang kaba ko.
"K-kuya..." halos ma 1pasubsuob ako ng lapitan ko ang katawan ng kuya kong wala ng malay at duguan.
Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan. Nanlalabo na rin ang mata ko sa mga luhang handa ng lumabas.
"S-sinong gumawa nito sayo?" Niyakap ko ang wala ng malay na katawan nito.
"Kuya!" Sigaw ko. Kasabay nun napa balikwas ako.
Hingal na hingal ako na animo'y galing ako sa mahabang pag takbo. Isa lang palang panaginip ang lahat. Humikbi ako, ilang buwan na rin ang nakakalipas pero sariwa pa rin sa akin ang pangyayaring iyon.
"Jacelyn hija, ayos ka lang ba? Buksan mo itong pinto." Sunod sunod ang pag katok ni tita Cecil.
Nangangatog pa ang mga tuhod niya ng tumayo siya at pagbuksan ito.
"Tita..." Yumakap ako at umiyak sa bisig ni tita Cecil.
Iginiya niya ako sa kama. "Sshh, its okay hija. Its just a bad dream." Hinaplos haplos nito ang likod ko.
Yes. Just a Bad Dream.
~~~~
Chanyeol's POV
"Grabe, alam niyo bang tumawag si Daddy kagabi?" Sabi ni Baekhyun. Naglalakad kaming lahat papuntang school building.
"Hindi namin tinatanong." Pambabara ni Sehun.
Mahilig talagang mambara ang hayup na to. "Huwag kang ngang epal Sehun. Hindi ikaw ang kausap ko. Iyong halaman." Tinuro nito ang nadaanan naming halamang na nasa isang malaking paśo.
Natawa ako. "Iba na pala ang taste mo ngayon Baek."
"Weh? Kasali ka Yeol?" Si Chen.
"Ikaw papansin ka Chen?" Ganti ko.
Nag bibiruan kami ng makarinig kami ng ingay. Muntik ko ng makalimutan. Hindi pa pala tapos ang kalbaryo ng dalawang babaeng yun.
Lihim siyang napangiti.
"They don't give up yet?" Biglang sabi ni D.O. minsan lang iyan mag salita.
"Hanep. Ang tatag naman ng dalawang iyan." Sabad ni Chen.
Napahinto ang lahat ng makita sila. Nag sitabi ang mga ito at binigyan sila ng daan. Paupong nakasa lampak ang dalawang babae sa sahig habang magulo ang buhok at uniform nito.
"Kaya pa?" Tanong ni Tao.
Tumayo sila at naglakad papalapit sa amin. Nagulat na lang ako ng nag bow ang mga ito sa harapan ko.