Jace's POVLumabas na ako ng cubicle ng makatapos akong mag c.r. dumiretso ako ng wash area at nag hugas ng kamay.
"Omg. Ang guwapo talaga ni Luhan!" Kinikilig na sabi ng isang babae na nasa tabi ko.
"Oo nga eh. Ang swerte ni Nina noh kahit fling lang siya na experience niyang mahalikan ni Luhan." Sabi naman ng kasama nito.
Lihim akong napaismid.
"Tsk.tsk.tsk. ang mga kabataan nga naman ngayon, imbes na mag aral ng mabuti, puro kalandian muna ang inaatupag..." bulong ko.
"May sinasabi ka ba miss?" Nilingon ko sila. Nakatingin silansa akin.
Malakas ba pagkakasabi ko?
"Sabi ko may exam pa ako bukas kailangan ko pang mag review. Sige una na ako ha." Alibi ko, mas mabuti na iyong umiwas.
"Exam? Simula palang ng klase exam na kaagad?" Narinig ko pang sabi ng mga ito bago ako tuluyang lumabas ng restroom.
Pag labas ko napansin kong may nag kakagulo sa hall way papuntang cafeteria.
"Ambisyosa ka! Ako ang girlfriend niya!" Sigaw ng isang babae.
"Liar. Baka ikaw ang feelingera noh! Ako ang girlfriend ni Luhan!" Sabi din ng isa.
Sa nakikita niya malapit na itong mag sabunutan.
"Konti na lang... pupusta ako oh. Dun ako sa naka headban." Bulong ko.
"Ako ang girlfriend niya! Diba Luhan?" Lumapit ang isa sa tinawag na Luhan at yumakap dito.
"Lumayo ka nga sa kanya!" Hinila naman ng isa ang buhok nito. "Diba honey ako yung girlfriend mo at hindi iyang malanding iyan!"
"Sus, pareho lang naman silang malandi." Mahinang sabi ko.
Ang sarap tumawa sa dalawang ito.
"Teka. Wag nga kayong mag away sa harapan ko. Kung gusto niyong mag away sa hindi ko kayo nakikita." Sabi ng Lalaking sanhi ng pag aaway ng mga ito.
"Pero Luhan..."
"Mamili ka samin honey siya o ako."
"Oo nga! Sino ba talaga sa aming dalawa?"
"Sino? Siya o ako?"
"Wala."
"Huh?" Sabay na sabi ng dalawa.
"Wala akong pipiliin sa inyo. Kaya umalis kayo sa harapan ko."
"H-honey you're joking naman eh--"
"Lumayas kayo sa harapan kong dalawa." Mariing utos nito sa dalawang babae.
Lulugo-lugong umalis ang dalawa.
Buti nga.
Napailing na lang ako ngunit agad akong napadta ng mapitingin ako sa pinanggalingan ng mga babae. At ayun. Nakatingin sa akin yung Luhan.
Inirapan ko lang siya at umalis na.
"Sandali."
Napahinto ako sa pag hakbang.
"Humarap ka."
Ayoko. Mukha mo!
"Sabi ko humarap ka."
Utut!
Hahakbang na muli ako pero hindi ko nagawa ng may maramdaman akong tumama sa ulo ko. Kitang kita ko pa ang pag gulong ng bola ng tennis.