CHAPTER 10: Her Mom Favor

10 1 0
                                    

Alert! Alert! New Character :-)

KimAdrea's POV

Ang cute talaga niya. Yung mata niya na singkit, ang mga pisngi niya na matambok, tapos ang tangos ng ilong kahit medyo maliit. Bagay na bagay sa mukha niyang maliit.

Napamalumbaba ako habang ang isang kamay ko naman ay iginuguhit sa sketch pad ko ang mukha ng crush kong si MinSeok a.k.a. Xiumin.

Imbes na makinig ako sa lecture ng teacher namin ng mga oras na ito, ay palihim ko lang pinamamasdan si Xiumin nasa kahilera kong row.

Haayy.. sana pansinin mo naman ako minsan. Piping dalangin ko. Hindi ba niya ako nakikilala? O nila? Sa bagay, kumpara dati malaki ang pinag bago ng itsura ko. Mas maganda na ako ngayon. Kaya may pag asa na siyang mapansin ng isa man sa mga member g EXO.

Naalala ko tuloy ang nangyari sa canteen.

*Flashback..*

Hawak ko ang tray na may lamang pagkain ng masalubong ko ang EXO. Sa sobrang taranta ko natalisod ako at tumapon ang laman ng tray kay Kai.

"Naku s-sorry po..." Mabilis kong pinunasan ang umiform niya gamit ang panyo ko. Pero nagulat ng bigla niya akong itulak.

"Sinong nag sabing hawakan mo ako?" Sabi ni Kai habang palapit sa akin.

"P-pinunasan ko lang kasi--"

"Wala akong sinabing pwede kang lumapit at hawakan ako." Tumingkayad ito paupo ng makalapit sa akin. "Hubarin mo ang Uniform mo." Utos nito na ikinabigla ko.

"H-hindi ko pwedeng h-hubarin--"

"Tao, kumuha ka nga ng isang pitsel ng juice dun." Utos ni Kai kay Tao na agad namang sumunod. Halos gusto ko ng maiyak sa sobrang kahihiyan. Lahat na nga estudyante sa akin nakatingin.

Kinuha kaagad ni Kai ang pitsel na hawak ni Tao. "Bibigyan kita ng options. Huhubarin mo iyang uniform mo o ibubuhos ko sa iyo ang laman nito?"

Napasinghap ako at nanlaki ang mata.

"Maghuhubad na iyan!" Paulit ulit na sigaw ng mga estudyante.

Yumuko ako ng maramdaman kong nagbabanta na ang luha sa mata ko.

"Sh*t!" Malakas na mura ni Kai kaya napa angat ako ng tingin. Bigla itong tumayo at kitang kitankong tumapon ang laman ng pitsel sa uniform nito. Napatingin ako sa librong nasa sahig.

"Kanina ko pq gustong makialam. Wala na ba talaga kayong respeto at pati bababe pinapatulan niyo. Hah! Grabe..." Ibat ibang reaksiyon ang nakita niya sa mukha ng EXO.

Parang gusto kong mainis sa babaeng ito. Bakit ba siya nakikialam? Ilang sandali pa ay nagsasagutan na ang babae at si Kai. Maya maya pa ay tinulungan akong tumayo ng babae.

Hindi na saksihan ang ibang nangyari dahil mabilis ako umalis ng cafeteria habang may luha sa mata ko. Nakarating ako sa fire exit. Doon ko ibinuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Umupo ako sa hagdan at humagulgol ng humagulgol.

Ilang minuto na akong nag uubos ng luha ng may maramdaman akong tao. Umalis ako sa pagkakasubsob at isang panyo ang bumungad sa akin.

Tiningala ko kung kanina galing iyon. Kilala ko ang isang ito. Si Lay. Ang isang miyembro din ng EXO. Walang bakas na pag aalala sa mukha nito pero... bigla itong malungkot na ngumiti.

"Huwag kang umiyak dito. Baka akalain ng mga dumadaan dito isang kang kaluluwang nag paparamdam." Bahagya akong napaatras g ito mismo ang nagpunas ng luha sa pisngi niya gamit ang panyo nito.

When EXO turn into a Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon