Acelmae's POVLetse tong mga babaeng to! Istorbo sa pag tulog ko.
Kainis!
Pinikit ko ang mata ko at sinubukang makatulog ulit, ngunit kahit anong gawin ko hindi ko na makuha ang tulog ko.
Ang sarap kalbuhin ng tatlong bruhildang to o!
Pag ganitong puyat ako madaling umiinit ang ulo ko. Nga pala mag papakilala muna ako. Napansin nyo, ako palang ang unang mag papakilala? Hehehe. Sensya na ha, nakalimutan ni author na ipakilala ang background ng iba. Don't worry isisingit niya daw yun sa ibang part.
Ako si Acelmae Digo. Isa akong working student. Wala na kasi akong tatay at ang nanay ko naman nag ta-tiyaga lang sa pagtitinda ng maliit na carenderia.
O baka sabihin niyo pang MMK na ang buhay ko. Sa totoo lang hindi ko iyan iniisip, dahil hindi pa kami isang kahig-isang tuka. Nakakaraos si nanay sa pag papaaral sa akin.
Bakit ako working student? Simple lang, kasi ayokong nahihirapan ang nanay ko. Mahal ko kasi iyun eh.
Wala akong kapatid kasi nga maaga kasi kami naulila ni tatay. Nagtatrabaho kasi siya sa bilang construction worker. Kagaya ng hindi inaasahan, nagkaroon ng disgrasya sa construction building nila. Gumuho ang ilang bahagi ng building at isa ang tatay ko sa nadamay sa disgrasyang iyon.
Wala man lang sinagot ang kompanya sa gastusin ng pag burol at libing ni papa. Hindi na daw kasi obligasiyon ng kompanyang iyon. Sobra kaming nagalit ni nanay, pero wala kaming magawa dahil wala kaming sapat na pera kalabanin ang mga ito.
"Okay class. Just raise your hand when i call you, this is for your attendance." Napaangat siya ng ulo ng marinig ang teacher nila.
Tuluyan na siyang hindi naka tulog. Buwisit talaga!
~~~~
Blare's POV
"Ahm, excuse miss. May katabi ka ba?" Nag angat ang babae ng ulo at tumingin sa kanya. Umiling ito. "Pwede maki share?" Tanong ko.
"Sure."
"Thanks." Inilapag niya sa mesa ang tray at umupo. Hinalo ko ang spaghetti na kakainin ko.
Nakaka-ilang subo na ako ng makarinig ako ng ingay sa paligid. Kasunod nun nakita ko ang grupo ng kalalakihan na papasok sa entrance ng cafeteria.
Sila pala ang naririnig kong grupo na nag ngangalang "Exo". Kanina ko pa naririnig ang pangalan ng grupo nila. Sa gate pa lang kasi ng school wala ka ng ibang maririnig kung di "Exo". Aminado akong mga good-looking guy ang mga ito Subalit walang dating saakin ang mga kagaya nila. Ewan ko ba.
Tumingin ako sa plato na kalahati na ang lamang spaghetti. Sabay kaming napatingin ng kasama ko sa table ng makarinig kami ng tunog ng nabasag na kasangkapan.
"Naku s-sorry po..." natatarantang pinunasan ng babaeng estudyante ang uniform ng isa sa miyembro ng Exo. Kung hindi siya nag kakamali Kai ang pangalan ng lalaking iyon.
Patuloy pa rin sa pagpunas, kuskos sa uniform ni Kai. Napakatahimik ng cafeteria, marahil hinihintay ng mga ito kung anong gagawin ni Kai at ng mga kasama nito.
Natuptop nya ang bibig ng malakas na tinabig nito ang babae. Napasadsad tuloy ito sa sahig.
"That guy." Gigil na sabi ko. Naikuyom ko pa ang kamay ko.
"Grabe. Wala talaga silang sinasanto. Pati babae pinapatulan nila." Napalingon siya kasama niya sa mesa. "Tsk.tsk.tsk. mga asal gag*."
"Sino nag sabing hawakan mo ako?" Sabi ni Kai.