Kai's POV"Tol, tahimik mo ah." Siniko ako ni Sehun.
Hindi ako sumagot. Inabot ko ang chocolate shake at sumipsip dun. Hindi kasi mawaglit sa isip ko ang babaeng iyon. Hanggang ngayong naaalala ko pa ang itsura niya kahapon.
Hindi ko rin maintidihan kung bakit ko tinangkang pagsamantalahan siya. I'll almost rape her for pete sake! Natauhan lang ako ng makita kong umiiyak na siya. Inaamin kong siraulo akong tao. Bully. Asal gangster. Pero never pa akong nagsamantala ng babae. Meron akong mga girlfriend pero kahit minsan wala akong ginalaw kahit isa man sa mga iyon.
Gusto man niyang malaman kung bakit absent ito ngayong araw wala akong magawa. Magtataka marahil ang mga ulupong kong kaibigan.
Napatingin sila ng may pumasok na babae sa pinto ng private area nila. Napatuwid siya ng upo ng makitang ang kaibigan ito ng babae. Ang kaaway din ni Chanyeol.
Agad sumugod ito kay Chanyeol. "Hoy. Ikaw!" Dinuro nito si Yeol na halatang nabigla sa pag dating nito.
Agad namang napatayo si Yeol.
"Anong ginawa niyo kay Labelle kahapon?"
"Bakit ako ang tinatanong mo?" Sagot naman ni Yeol.
"Nag mamaang maangan ka pang unggoy ka! Diba may inutusan kayong kidnapin siya kahapon? Tapos ikinulong niyo pa ako sa isang bodega!" Sigaw nito.
"Sandali wag mo kaming sigawan dito. Teritor--"
"Hindi kita kausap kaya wag kang epal!"
"Ano? Aba't --" itinaas ni Yeol ang kamay nito kay Baek upang pahintuin sa pag salita at hinarap ang babae.
"Teka. Ano bang sinasabi mo?"
"Hindi pumasok ang kaibigan ko dahil sa mga pinag gagagawa niyo. Wala kayong puso! Ang sasama niyo! Hindi niyo ba alam na dahil sa pambubully niyo nasa ospital siya dahil inatake siya sa puso?!"
"Ano?" Kahit siya nabigla sa sinabi nito.
"Bakit nagulat kayo?"
"Teka. Ano bang sinasabi mong ginawa namin? Eh pag katapos mo akong ispreyan ng pepper spray wala pa akong ginagawang hakbang para gumanti sa iyo."
"Nagsisinungaling ka pa! Pasalamat kayo dahil ngayon stable na ang lagay niya." Tumalikod ito. Pero muling humarap. "Ito pa lang ang simula ng totoong war."
Sinundan lang ng tingin ni Yeol ang babae. At ako? Bigla akong na guilty sa nangyari. Nasa ospital ang babaeng iyon dahil sa ginawa ko kahapon.
"Ano bang ibinibintang ng babaeng iyon sa atin? Ang OA niya naman." Komento ni Chen.
"Ang babaeng iyon hindi pa nga ako nakakaganti sa kanya, kung anu-ano ng ibinibintang sa akin." Si Chanyeol.
"Pero sino kaya talaga iyon?" Tanong Baekhyun.
Kasalanan ko kung bakit siya nasa ospital at muntik ng mamiligro ang buhay. Napasulyap ako kay Sehun na nakatitig sa akin. "Bakit?" Tanong ko.
"May alam ka ba sa sinasabi ng babaeng iyon?" Tanong nito. Narinig naman ng mga ibang kaibigan namin ang tanong ni Sehun kaya sa akin lahat naka focus ang mata ng lahat.
"Ano? Bakit kayo naka tingin lahat sa akin?"
"Anong ginawa mo dun sa isang babae Kai?"
"Hala ka baka lumala ang kalagayan nun!"
"Masyado mo atang sinindak."
"Baka multuhin ka nun pag natuluyan iyon."
"Tumigil nga kayo! Oo na! Ako nga may gawa nun." Pag aamin niya. Badtrip tong mga g*gong to.