(A/N: DEAR READERS,ANG HIRAP PA LANG GUMAWA NG GANITONG STORY NA MARAMING POV'S. ANG SAKIT SA LEEG! PROMISE! KAYA SANA MAG VOTE NAMAN KAYO, COMMENT NA RIN KAYO PARA KUMPLETO. TUTAL NAMAN NAKIBASA NA RIN KAYO SAGARIN NIYO NA. WAHAHAHA! *G+GONG AUTHOR TO*
PERO DAHIL MHAL KO ANG MGA BOYS NA ITO. SIGE, KAHIT HINDI MATAAS ANG RATINGS NITO TATAPUSIN KO PA RIN SYA.
NAKAKALUNGKOT LANG NA WALANG DATING SA IBANG READERS ANG STORYANG ITO...
NAGMAMAHAL, AUTHOR :-)
~0~0~0~
Jace's POV
Kanina ko pa gustong hagisan ng bomba ang mga babaeng na kahilera namin. Kasama ko sila Nseuislan at Krizzia. Simula ng makita namin si Krizzia na nakulong sa isang madilim na silid na iyon ay madalas na namin siyang kasama ni Nseuislan.
Mukha nga itong malungkot dahil ang balita ko, nasa ospital ang kaibigan nito.
"Pigilan niyo ako Nseuislan, hahagisan ko ang mga iyan ng granada." Bulong ko sa dalawa kong kasama.
"Wala ka namang granada."
"Wooo! Shoot! Ang galing ng matangkad na iyon oh." Tuwang tuwang hiyaw ni Nseuislan.
"Hahagisan mo rin ba siya ng granada?" Tanong ni Krizzia.
Bigla akong natawa. Sa ilang araw na kasama ko ang mga ito hindi ko lubos maisip na masasakyan ko ang mga pag uugaling meron itong dalawa. Nakakatuwang isipin na hindi kami nag kakapikunan kahit simpleng asaran at barahan lang.
"Hoy Ula." Tawag ko kay Nseuislan. Sumama bigla ang mukha nito.
"What did you say? Tinawag mo akong ano? ULA? Anong klaseng nickname iyan?!" Oa na reklamo nito.
"Mas maganda na nga iyon, kesa naman sa Ulatong?" Ngumisi ako.
"I hate you!" Kinuha nito ang dslr na camera at walang babalang kinuhanan ako ng picture. Tumawa ito ng tignan ang kuha ko. "You really look stupid Jace." Sabay tawa ulit ng malakas. Sumilip naman si Krizzia na bigla ring bumunghalit ng tawa.
Sinilip ko rin ang kuha ko. "Ano ba yan! Burahin mo nga iyan!"
"Sure. Stop calling me that disgusting nickname!"
Sasagot sana ako ng magtilian na naman ang babaeng kahilera namin.
"Go Luhan bebe!" Sigaw ng mga ito.
Lumingon siya sa basketball court na kasalukuyang naglalaro ang ibang member ng EXO na sila Luhan, Tao, Kris, Sehun, at Suho.
"Oh my gosh! Ang hot ni Kris!"
"Hindi ah. Mas hot si Sehun ko!"
"Mas hot si Tao!"
Putsa. Nag away pa. "Hindi ko akalaing magandang gawing mga model ang member ng EXO." Napatingin ako kay Nseuislan na abala sa pagtingin sa camera niya.
"Look." Inilapit nito sa amin ni Krizzia ang camera.
Kahit ayoko. Nag agree ang utak ko sa sinabi ni Nseuislan. In fairness huh, may future maging photographer si Ula este Nseuislan.
"Ang galing mo namang kumuha. Alam mo may pag asa kang maging photographer." Komento ni Krizzia.
Pinindot ko ang next botton upang tignan ang iba pang pictures. Iba ibang anggulo ang nakita ko. Napatigil ako sa isang litrato. Kuha iyon ni Luhan na habang nasa ere na nakaposisyong ititira ang bola.