Fallon's POV
"Class quite. Makinig muna kayo, so ganun nga bukas natin gaganapin ang Stargazing dito. Sana naman maka pag participate ang lahat." Sabi ng teacher namin sa Science.
Muli na namang nag ingay ang mga classmate ko.
"Ma'am may tanong po ako." Nag taas ng kamay si Acelmae. Simula nung activity namin sa P.E subject nakilala ko na ang ibang mga classmate ko. "Paano po kung hindi po ako makasama bukas ng gabi?"
"Bakit miss Digo, may importante ka bang pupuntahan?"
"Opo ma'am."
"Sorry miss Digo, attendance is a must. No excuses. Ipagpaliban mo na lang muna ang lakad mo."
Napabuntong hininga na lamang ito.
Maya maya ay natapos na rin ang klase. Muli na umingay at tila mga nakawala aa kural ang mga classmate ko habang hinihintay ang next subject.
Kinalabit ko si Krizzia na nasa harap ng upuan ko. "Sasama ba kayo?" Tanong ko.
"Not sure, pero sabi nga ni ma'am attendance is a must. Wala kaming choice kundi pumunta. Kayo?"
"A-attend ako. Gusto ko kasing mag ghost hunting." Natatawang sabi ko. Naka ngiting napapailing lang ang mga ito.
"Guys balita ko nga may mga kaluluwang nag papakita dito sa academy. Totoo ba iyon?" Biglang singit ni Krishna.
"Naririnig ko rin ang tungkol diyan. Pero hindi naman ako naniniwala hanggat hindi ko nakikita." Si Blare.
"Ang sabi pa nga daw, nahulog daw ang babaing iyon sa hagdan at iyon ang ikinamatay niya. Estudyante siya dito." Dugtong pa ni Krishna.
"Eeeeiii!! Tama na nga iyang kuwentuhan niyo. Kinikilabutan na ako." Maarteng tili ni Feireese.
"Sus arte nito. Kuwento pa lang yan ha. Paano pa kaya kung totoong na experience mo na?" Sabi ko.
"Baka himatayin na ako." Hintatakot na sabi ni Feireese.
"Guys i have an idea. Gusto niyo bang sumama sa adventure ko?" Sabi ko sa mga ito.