CHAPTER 27

10 0 0
                                    


Labelle


"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" Tanong nito.


Dinala ko siya sa turo turong karinderia.


"Madalas kaming kumain ni Mama dito. Bakit nakakagulat ba na isang katulad ko kumakain sa ganitong lugar?"


"No. Dahil kumakain din ako sa ganito."


"Ows? Hindi halata."


"Kung nakikinig ka, nasabi ko na yun kanina." Gamit ang kamay nito kumurot ito ng isda at isinawsaw yun sa sawsawan bago inilagay sa kanin at sinubo. Mukhang sanay sanay nga ito.


"Never akong kumain sa ganyang ka garbong restaurant.."


Ah. Yun pala ang ibig niyang sabihin. "Bakit? Nag sasawa ka na ba sa pagkaing mayaman?"


Uminom muna ito ng juice bago sumagot. "Ang pag kain sa mansion namin at restaurant iisa lang ang lasa. Bakit pa ako kakain sa restaurant kung pwede ko namang makain iyon sa mansion. Kung kakain lang din naman ako sa labas, siyempre dun na sa bago sa panlasa ko."


Tumango tango ako at sinubo ang tahong na hawak ko. May punto ito. "Alam mo, si Papa ang nagturo ng lugar na ito sa amin. Sabi kasi ni Mama, nung nanliligaw pa raw si Papa sakanya dito siya madalas dalhin ni Papa. Mahirap lang kasi si Papa dahil ulila na siya. Siya ang nag papa-aral at bumubuhay sa sarili niya. Sa Mama naman, may sinasabi kahit papaano sa buhay. Simula ng makilala ni Mama si Papa, naging paborito na niya ang mga pag kain dito."


"Nice." Tipid na sagot nito.


Mukha namang wala na itong balak makinig dahil busy sa pag kain. Pinag patuloy ko na rin ang pagkain ko. Nabusog kami parehas dahil sa dami ng nakain namin.


"Saan tayo after nito?" Tanong niya.


"Bakit ba ako lagi tinatanong mo?"


"Baka lang may gusto kang puntahan." Paliwanag ni Kai.


Biglang tumunog ang cellphone nito. "O tol... ngayon?" Tumingin siya sa akin. "Hindi ko pwede..."


Tinanong ko ang tindera sa karinderia kung magkano lahat ng nakain namin habang si Kai may kausap pa din. Mukhang dito na matatapos ang date namin.


"Okay tol.. sige."  Paalam nito sa kausap. "Magkano daw?"


Sinabi ko ang bill ng babayaran, agad naman nitong binayaran iyon.


"May pupuntahan ka? Mag ta-taxi na lang ako pauwi." Sabi ko.


"Ayaw mong sumama?"


"Nope. Ayokong maging istorbo sa lakad mo."

When EXO turn into a Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon