A/N:
Merong mga magiging haters dito si KimAndrea. Pasensiya na :-) eh kasi yun ang naisip kong attitude ng character niya. Kapag binago ko pa, magugulo na.
Correcr pronunciation for NSEUISLAN name:
Nyus-lan.
Feireese: Fey-ris.
Akeisha: A-key-sha
Tnx for reading!
Akeisha's POV
"Hello my princess." Nakangiting sinalubong ako ni Mommy ng yakap at halik sa pisngi.
Ginantihan ko rin iyon. Paano ko sasabihing pinapatawag siya sa academy bukas?
"Problem? Why the sad face?" Nag aalalang tanong ni Mommy.
"A-ahm... Mommy... i got something to tell y-you.. but i don't know how to s-start."
"What is it?"
"I.. ahm..." sasabihin ko ba? Natatakot ako... "Never mind 'my." Ngumiti ako.
"Hey... i know, you have something on your mind. Come on tell me. Don't be like that." Hinawakan niya magkabilang pisngi ko.
Tinitigan ko si Mommy ilang sandali bago niyakap. "Please Mom dont be mad at me.. Please?"
"Hmm? Why would i? May ginawa ka bang kasalanan?"
Umiling ako. "No... but there was a group, no they're mean girl. They fought with my friend. I swear mom, naging kalamado ang mga kaibigan ko."
"Tapos?" Kinuwento ko ang lahat. "They're bad girl." Komento niya matapos akong mag kwento.
"Are you coming tomorrow?"
"Of course my Princess. Gusto kong makilala ang mga kaibigan mo." Ngumiti si Mommy habang hinahaplos ang buhok ko.
Ganyan talaga si Mommy, malambing, kung ituring niya ako parang baby. Ako lang kasi ang nag iisang babaeng anak niya at bunso pa. May tatlo pa akong kapatid at puro lalaki. Ang panganay kong kuya katuwang si Daddy sa pag pamamalakad ng kompanyang pag aari namin. Ang sumunod naman ang nag mamanage ng ibang business nila Daddy, isa dun ang factory ng iba't-ibang pagawaan ng candy's. Ang sinundan naman niya ay nag aaral sa London. Kaya madalas kami lang ni Mommy ang mag kasama sa mansyon dahil gusto ni Daddy na sa bahay lang si Mommy, napaka sweet ni Daddy dahil ayaw niyang nahihirapan ang Mommy ko.
"Thank you Mommy." Maambing kong hinigpitan ang yakap sa kanya. "I love you."
"I love you too my princess."
"Where is Daddy?"
"Don't mind them. They're busy with something." Tumawa si Mommy. "Come on lets eat. Niluto ko paborito mo."