Suho
"Hoy ang takaw mo Baekhyun!"
"Pvta. Wag nga kayong mag asal patay gutom--langya ka Tao, mag dahan dahan ka nga! Tignan mo dinumihan mo na yung T-shirt ko."
"Hala. Bakit niyo akong inubusan?"
Nakamasid lang ako sa mga ito habang nag kakagulo sila sa pag kuha ng pagkain. Kanya kanyang sandok ito ng mga pagkain na nasa lamesa. Kasalukuyan kaming andito sa secret hide out namin. Walang ibang nakakaalam ng lugar na ito maliban sa aming labindalawa.
Dito kami nagpupunta kapag gusto naming mag relax, bored, at higit sa lahat kapag nag papractice kami ng sayaw at kanta. This is 'our' gown world. Dito malaya naming nagagawa ang mga bagay na nakakapag pasaya sa amin.
Sa Academy masasabing sikat kami dahil anak kami ng isa sa mga mayayaman na tao sa bansa, kilala kami dahil sa trademark namin bilang isang mga 'bad boys' ng school. Ngunit taliwas sa mga iniisip ng iba at nakikita nila ang tunay na pagkatao ng isang EXO.
"Paabot nga ako ng Juice." Biglang nag salita ang katabi kong si Kris. "Thanks." Sabi nito ng iabot ko ang pitsel ng juice.
Napalingon lahat ng dumating si D.O na may dalang platong may lamang mga pritong karne.
"Yun oh!" Pinagkiskis pa ni Chanyeol ang mga palad ng ilapag ni D.O ang plato sa gitna ng mesa.
Akmang kukuha na ang mga ito ng matigilan sila sa sinabi ni D.O.
"Nahulog iyan sa lababo. Pinag tiyagaan ko lang pulutin ulit. Kaya kung may malasahan kayong kakaiba mas mabuti pang wag na kayong mag komento." Si D.O na pumwesto sa isang silya.
Bigla akong natawa ng malakas sa mga itsura ng mga ito. Tila kasi mga estatwa sila na nakahinto sa pag kuha ng karne habang may hawak na tinidor.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni D.O at tumusok ng isang karne sa plato. Habang nginunguya ko iyon ay nakatingin ang mga ito sa akin na tila inaabangan ang magiging reaksyon ko. Bukod sa lasang karne, wala na akong ibang nalalasahan kundi masarap na pagkakaluto.
Ngumisi si Kai at sumunod na kumuha ng karne. "Hmmm. Taste like..." pabitin ni Kai habang nginunguya ang karne.
"Ano?" Tanong ni Baekhyun na mukhang atat ng makakuha ng masarap na karne ng baka.
"...." Si Kai na patuloy pa rin sa pag nguya.
Napansin kong kumilos din si Kris para kumuha. Sumunod si D.O at Sehun. Huling kumuha si Xiumin.
"Wala naman ibang lasa... masarap naman."
Sabay natawa si Kai at Sehun. Malakas. Si D.O pigil ang pagtawa. Kung ganun tama ang hinala kong inisahan lang ni D.O ang mga matatakaw na sila Baekhyun, Chanyeol, Tao at Luhan.
"Mga gageu kayo!" Nakakatawang tignan ang mga itsura ng mga ito. Ganito pala nagiging itsura nila pag naiisahan. Epic lang