CHAPTER 26

8 0 0
                                    


Labelle

"Sige na Labelle, promise isang beses lang."

"A.Y.O.K.O." Gusto ko ng ihampas sa lalaking ito ang hawak kong tray. Kanina pa ito nangungulit na niyayaya akong mag date.

"Bakit ba ayaw mo?"

Juskolawrd. Pigilan nyo po akong masapak ang lalaking ito. Tumingin ako kila Krizzia na nasa unahan ng pila sa dito sa counter ng cafeteria. Nag ngingitian ang mga ito. Wala silang balak na tulungan ako.

"Bigyan mo akong ng sampung rason kung bakit ayaw mo."

"Okay. Dahil... ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayoko. At Ayoko, dahil nga ayoko."

"Eh iisa lang naman ang sagot mo."

Nakuu! Isa na lang talaga babakat ang mukha nito sa tray na hawak ko.

May tumikhim sa likod namin. "Excuse me."

Sabay kaming napalingon sa likod nito. Then, there was Kai standing next to him. Seryoso ang mukha nito. Pumagitna sa pagitan namin upang kumuha ng tray. Pero sa halip na umalis ulit ito, doon na ito pumila sa likod ko.

Sumilip ang makulit na lalaki na nasa likod na ni Kai. Marahil napansin ni Kai ito kaya tinignan niya ang lalaki. "What?"

Umiling ang lalaki. "A-ah wala.." Bigla ay tila natakot ito.

"Kai! Ang daya mo, pumila ka na mag isa." Biglang nag sulputan ang mga kaibigan nito at nakisingit na rin sa pila.

Sandaling napatingin si Chen sa likod ni Kai. "Ay pre, pasingit muna. Gutom na kasi kami eh." Tila wala nalang nagawa yung lalaki.

Sa unang pag kakataon, Gusto kong pasalamatan ang mga ito dahil inilayo nila ako sa lalaking sobrang kulit na iyon.

"Your turn." Bigla ay sabi ni Kai.

Naguluhan pa ako. "H-Ha?"

Ngumiti ito. Muntik na akong mapamura. Tila may mga nag rambulan sa dibdib ko.

May kung anong tinuro ito sa unahan ko. Pag tingin ko tapos na palang umorder ang sinundan ko. Mabilis akong pumunta sa may counter at umorder. Nakakahiya! Dahil lang sa ngiti ng negrong ito nawala ako sa huwisyo.

"Magkano po?" Tanong ko sa crew.

"Ako ng bahala sa bill niya." Biglang singit ni Kai.

Napatingin ako sa kanya. "Hindi na ate. Ako magbabayad ng order ko."

Bigla itong nag labas ng wallet at mabilis na ibinayad sa counter.

"Nakaka tampo ka Kai, siya nililibre mo samantalang kami na kaibigan mo ni minsan hindi mo kami nilibre." Sabi Chen.

"Oo nga." Segunda ni Baekhyun.

"Bakit chics ba kayo?"

Inirapan ko si Kai ng magtama ang mata namin. Ano ibig niyang ipahiwatig dun?

Puro kantiyaw ang natanggap ko mula sa kaibigan ko ng maupo ako sa mesa namin.

"Uuuy nakita namin iyon!"

"Ayeeeii!"

"Sana dinagdagan mo na yung order mo para marami tayong pagkain."

"Luma-lovelife ka na rin ha." Siniko ako ni Nseuislan habang naka ngiti.

When EXO turn into a Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon