Krizzia's POV
I HOPE THIS ROSES MADE YOUR DAY,
FR. PCY
Iyon ang naka sulat maliit na card na naka ipit sa isang bouquet ng rosas na bumungad sa locker ko.
"Omg! Ang ganda naman ng mga iyan!" Tili ni Feireese.
"Uuy dalaga na si Krizzia namin."
"Kanino galing? Ayeeiii!"
Inismiran ko ang mga ito. "PCY? Ano Philippine Charity Youth?"
"Tangek! Its Park Chan Yeol!"
"Huwaat!? Nililigawan ka ni Chanyeol!" Eksaherodang bulalas ni Nseuislan.
"Pinag titripan lang ako ng unggoy na iyon. Tara na nga, nagugutom na ako."
Hindi ako tinigilan ng mga ito ng kantiyaw kahit hanggang sa makarating kami sa cafeteria.
"Sana ako din ligawan ni Kyungsoo." Nangangarap na naman itong si Feireese.
"Pano ka liligawan eh mukha ngang hindi ka nag eexist sa mundo niya." Pang aasar ni Fallon.
"Umepal ka na naman. Akala ko ba kakampi ko kayo?" Pag mamaktol ni Feireese.
Pag pasok namin sa entrance ng cafeteria kinalabit ako ni Labelle.
"Bakit?"
"Yung suitor mo oh." Inginuso nito ang mesa ng EXO.
"Isa ka pa Labelle. Huwag ka makisali sa mga baliw na iyan."
Pumwesto na sila sa isang table at dahil andun sila lahat kulang ang mesa kaya kumuha ang iba ng isa pang mesa at pinag dugtong iyon.
"O sige na. Umorder na kayo, sagot na ni Blare ang bayad." Sabi ni Acelmae.
"Hoy! Ano may patago kayo sa akin? KKB tayo oy." Sagot ni Blare sa biro ni Acelmae.
Tumawa naman lahat.
Hindi naman ako mapakali sa upuan ko. Pakiramdam ko kasi may nakamasid sa akin. "Ako na lang ang oorder. Samahan mo ako Akeisha." Sabi ni Krishna.Isa isa nilang binigay ang mga order nila. Sabay kaming napatingin ng may estudyanteng lalaki ang lumapit sa mesa namin.
"Ah miss Krizzia?" Nakatingin ito sa akin.
"Yes?"
"May nag papabigay po sainyo." Inabot nito ang isang hugis pusong box na kulay pula.