Acelmae"Nasaan ang leader niyo?" Nahinto sa pag tatawanan at pag uusap ang mga member ng EXO at tumingin sa akin.
"Bakit?" Tanong ni D.O
"Gusto ko siyang makausap. Nasaan siya?"
"Bakit nga--"
"Bakit ba ayaw niyong sabihin?! Kung wala kayong balak sabihin ako na maghahanap sa kanya para sa sarili ko." Inis na tinalikuran niya ang mga ito.
"O ayan na pala siya eh." Automatikong lumipad ang tingin ko sa pinto ng classroom dahil sa sinabi ni Chen.
"Acelmae, may problema ba?" Biglang sumulpot sa tabi ko si Akeisha.
"Suho may naghahanap sayo!" Sigaw ni Baekhyun.
Sandaling nagtaka si Suho bago tumingin sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya habang nag lalakad sa gitna ng room.
Wala na akong ibang paraan. Ito na lang ang tangi kong naisip na solusyon sa problema ko. Kakainin ko na ang pride ko, lulunokin ko na ang kahihiyan ko. Mailigtas ko lang si Nanay.
Dahan dahan akong naglakad sa harap niya, tatlong hakbang na lang ang layo ko sa kanya ng mga oras na iyon. Nagsalubong ang kilay na sa labis na pagtataka.
"Anong kailangan mo?" Tanong niya.
Hindi inaasahan ng lahat ang sumunod kong ginawa. Pabigla akong lumuhod sa harap ni Suho.
"Acelmae!"
"What the fvck"
May mga napasinghap. At kung anu-ano pang reaksyon.
"A-ano yang ginagawa mo?"
"P-pakiusap. Ibalik mo na ako sa trabaho."
"A-ano?"
"Nakikiusap a-ako ngayon, bawiin mo ang mga sinabi mo na tinatanggal mo ako sa trabaho."
Nagtama ang mata namin. Wala itong ibang naging reaksyon kundi ang titigan ako. Blanko lang ang ekspresyon ng mukha nito.
Narinig ko ang pagak na tawa niya. "Ano ka sinisuwerte? Akala mo ba ganun lang iyon kadali? Sorry Miss Digo. Pero hindi na pwedeng bawiin ang mga sinabi ko. Kahit lumuhod ka pa o lumuha ng dugo sa harap ko wala na ring mangyayari." Tinalikuran niya ako at balewalang naupo sa puwesto niya.
Shet. Napakawalang puso talaga ng hinayupak na to!
"Acelmae tumayo ka na diyan! Anu bang ginagawa mo?" Pilit akong hinihila nila Krizzia.
"N-no... hindi ako susuko. Kakausapin ko siya ulit."
"Sinabi na niya diba?"
Hindi ko sila pinansin at muling lumapit sa puwesto ni Suho. "M-Mr. Kim, hindi ako titigil hanggat hindi ko kayo napapapayag. Nakikiusap ako, kailangan ko lang po talaga ng trabaho."
Itinaas ni Suho ang kamay upang pahintuin siya sa pag sasalita. "Wala.na.akong.magagawa. naiintindihan mo Miss Digo? O baka gusto mo pang english-in ko pa?"
Nanginginig ako sa galit. Pinababa ko ang sarili ko pero wala man lang nangyari? "You know what? Ang akala ko pagtapos kong lumuhod sa harap mo hindi na kita maihahalintulad sa mga mayayamang matapobre at mayabang. Pero nagkamili ako. Dahil iisa lang pala ang dugong na nanalaytay sa inyo." Walang lingon likod akong umalis sa room na iyon.
Narinig ko ang pag tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Sinadya ko talagang hindi lumingon dahil tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tumakbo ako kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha. Sa kakatakbo ko hindi ko napansin ang isang tao makakasalubong ko, naramdaman ko na lang na bumunggo ako sa matigas na bulto.