CHAPTER 30

4 0 0
                                    


"A-anong ginagawa m-mo di--" bigla na lang niya akong hinapit at niyakap. Hindi kaagad ako nakahuma.

"I will forget everything that happens in cafeteria. Sabihin mo lang na ako ang dahilan ng pag iyak mo." Sabi nito. Ang higpit ng yakap nito.

Luhan... bakit? Bakit ikaw pa?

"Tell me Jace..." muling sabi nito.

"L-Luhan... i... hate you..." lumuwag ang pag kakayakap nito. Upang tignan pala ako. "You know w-why? Dahil naiinis ako sa iyo, dahil sa akin namang puso to pero ayaw niya akong sundin! Hindi ko alam kung saan siya nag mana eh! Hindi naman siya galing sa iyo pero ikaw lagi hinahanap niya!" Pinag hahampas ko siya sa dibdib, braso, basta kung saan siya tamaan. "Buwsit ka! Buwisit ka! I hate you!" Hinuli nito ang mga braso ko.

"Stop. You hurting yourself too." Malumanay nitong sabi.

Unti unti naman akong tumigil. Niyakap niya ulit ako. But this time, nasa loob na ako ng mga bisig niya habang naka subsob sa dibdib nito.

"Ako nga ang dahilan ng pag iyak mo dito." Gusto kong tumango sa sinabi niya. "Damn! Hindi mo ba alam kung gaano ako kasaya ngayon?"

Hindi ko sigurado kung sa akin o sa kanya iyon, pero dinig na dinig ko ang tibok ng puso nito. Napaka lakas nun, at ang bilis.

"Ikaw talaga, pinahirapan mo pa ako." Nawala ang mga bisig nito. Hinawakan nito ang mukha ko at pinunasan ng daliri nito ang luha sa pisngi ko. "Nag antay ako para kausapin mo. Pero ilang araw ng lumipas hindi ka parin lumalapit sa akin."

"H-hinihintay mo ko?"

"Yeah. Pero ako pa rin pala ang gagawa ng move."

Yumuko lang ako para itago ang hiya ko. Pero muli nitong inangat ang mukha ko. "So we're okay now?"

Tumitig muna ako sa mata niya at tumango. "I guess so."

Kumunot ang noo nito. "Anong klaseng sagot iyan?"

"Eh ano bang isasa--"

"I'm your boyfriend, and you're my girl."

"O-okay."

"Good."

"Sandali." Kinuha ko ang panyo na nasa bulsa ng uniform ko at inabot dito. "Punasan mo iyang lipstick sa gilid ng bibig mo."

Hinawakan nito ang parteng tinuturo ko at saka tinignan ang daliri upang alamin kung totoo ang sinasabi ko. Ako na tuloy ang nag punas. Takte! Pagkatapos maki pag tukaan sa ibang babae haharap siya sa akin ng ganyan. Kundi pa ako talaga ma badtrip sa lalaking to.

Ngingiti ngiti ito habang pinupunasan ko iyon. "You're jealous."

"Oo na." Sabi ko para matigil lang siya sa kakulitan. "Ahm, Luhan..."

"Hmm?" Nakatitig lang ito sa akin.

"Pwede bang, tayo lang muna ang makaka alam ng bagay na ito?"

"Why?"

"Kasi, alam mo na... malaki ang galit ng ibang kaibigan ko sa inyo. Ang ilan sa kanila maaaring hindi matanggap na may relasyon tayo."

"So you want this to keep a secret." He stated.

"For now..."

Tumango ito at ginawa na naman nito ang gesture na pag lunok. "Okay."

*End of flashback..*

Kahit nasa byahe na kami hawak pa rin nito ang kamay ko. Ang isang kamay nito nasa manibela ang isa hawak ang kamay ko. Gustong gusto talaga nitong hawak iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When EXO turn into a Bad BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon