Labelle's POV"Ipapasundo na lang kita kay mang Ben mamaya. May appoinment pa kasi ako sa isang client ko kaya baka hindi kita masundo." Sabi ni mama habang ang mata ay nakatutok sa kalsada.
Everyday akong hinahatid sundo ni mama sa tuwing papasok ako sa school. Mag iisang linggo na rin simula ng mag simula ang unang klase.
Tumanaw ako sa labas ng bintana. Narinig kong napabuntong hininga si mama. Nag sawa na siya marahil sa malamig na pakikitungo ko. Hanggang ngayon pa rin kasi masama pa ang loob ko sa ginawa niyang pag transfer sa akin ng ibang school.
Speaking of school. Naalala ko na naman ang nangyari kamakailan lang. Ilang araw na kaming nagtataka ni Krizzia kung bakit wala pang ginagawang kakaiba ang Exo laban sa amin. Sa tuwing makikita naman namin ang mga ito naka tingin lang sila pero hanggang dun lang.
Malaking pala isipan talaga sa amin lalo na sa akin ang pananahimik nito. Not literally.
"We're here." Pukaw ni mama sa natutulog kong diwa.
Inabot ko ang bag at sinukbit iyon, akmang bubuksan ko ang pinto ng tawagin ako ni mama.
"Hija, i know you're still mad at me."
Hindi ako kumibo. Hindi rin ako nakatingin sa kanya. "Malalaman mo rin ang dahilan ko sa tamang panahon. Sana intindihin mo muna ako. Kahit ngayon lang."
"This is for your own good Larissa."
Whatever!
"I have to go 'ma. I don't want to be late." Wala na itong nagawa ng tuluyan na akong bumaba ng kotse.
Habang naglalakad sa loob ng school may mga nag takbuhang estudyanteng lalaki galing sa likod niya. Nabangga pa siya ng isa.
"Mga siraulo. Dito pa talaga nagtatakbuhan sa harapan ko." Mahinang sabi ko.
Malapit na ako sa entrance door ng building ng mapansin kong halos nakatingin sa akin ang mga estudyante. May mga natatawa, mga nagbubulungan tapos magtatawanan.
Anong problema ng mga to?
Lumingon ako sa kanan. Sa kaliwa. Iisa lang ang mga reaksyon ng mukha ng mga ito. Meron bang problema sa uniform ko? Tinubuan ba ako ng sungay o di kaya buntot sa likod? Ano ba wala akong maintindihan! Paki explain naman!
Isang babae ang nakatingin sa akin. May kung anong isinesenyas ito.
There something on your back iyon ang ibig sabihin ng sinisenyas nito. Kinapa ko ang likod ko, isang papel ang nahila ko.
Nanlaki ang mata ko ng mabasa ang naka sulat sa isang 1 sheet bond paper.
MALANDI AKO
WAG NIYO AKONG TULARAN!Who.Did.This!
Galit na nilukot ko ang papel na iyon at matalim na tumingin sa likuran ko.
Lahat halos ng estudyante nagtatawanan. Madilim ang mukhang nagtungo ako sa classroom.
Naabutan niyang nagkakasiyahan na naman ang ilang estudyante roon at ng tuluyan na siyang makapasok nakita niyang gigil na binubura ni Krizzia ang naka sulat sa blackboard.
-IDI NA -KO VIR-
--KrizziaNabura man ni Krizzia ang ilang letter hindi siya eng eng para hindi maintindihan ang nakasulat sa blackboard.
"Sh*t. Sino may gawa niyan?" Tinulungan ko siyang magbura.
"Hindi ko alam. Pero may idea na ako." Halata ang inis sa boses nito.