KrishnaLihim kong pinagmasdan si Sehun na nasa tabi ko. Tahimik lang ito habang kumakain. Pinigilan kong huwag tumawa ng maalala ko muli ang reaksyon niya kanina ng makita ako.
"Sorry nga pala at ako ang dahilan kung bakit na mantyahan iyang coat mo." Mahinang sabi ko.
Hindi ito kumibo.
"Ganyan ka ba talaga? Suplado? Tahimik?" Again. Para lang siyang muntangang kumakausap ng estatwa. "Galit ka ba dahil natapunan ka ng ice tea?"
Saksakin ko na kaya ito ng tinidor?
"O galit ka dahil ako ang Fiance mo?" Dun na ito tumingin sa akin.
"Tell me, matagal mo ng alam ang tungkol dito?" Tanong nito. Mukhang kaming mga abnormal nag uusap ng mahina.
"Yes po."
"Alam mo na rin noon pa na ako ang Fiance mo?"
"Correct."
"At hindi mo man lang sinabi sa akin?" Nang aakusa ang tono nito.
"Pwede bang kumalma ka lang? Hindi ko sinabi sa iyo dahil baka hindi mo ako paniwalaan." Paliwanag ko.
"Hija, ano bang pinag uusapan niyo at nagbubulungan kayong dalawa diyan?" Sabay kaming napalingon kay Mommy. Saka lang din namin napansing nasa amin na ang atensiyon ng mga ito.
"Mukhang nag kakaigihan na kayo. That's good!" Tuwang tuwa ang Mommy ni Sehun.
"Excuse me. I need to go to comfort room." Paalam ni Sehun sabay tayo.
Ngumiti ako at kumilos din para sundan ito. "Ahm, excuse me din po. Pupunta lang po akong c.r." hindi nila ako masyadong pinansin dahil busy na sila sa pag uusap tungkol sa mga business achu chu chu na iyon.
Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan si Sehun. "Oy, teka nga lang." Tawag ko sa kanya.
Paliko na ito ng hablutin ko ang braso niya. Napaharap ito sa akin. Hindi maipinta ang mukha.
"Gagamit ako ng c.r. kaya bitawan mo braso ko." Masungit na sabi nito.
Sungit talaga nito. "Bakit ba ang sungit mo sa akin. Wala naman akong ginawang masama sa iyo."
"Gusto mong malaman kung bakit?"
"Oo. Bakit ba? Dahil ba mas maganda ako sa girlfriend mong kamukha ni goldilocks?"
"What? Your talking nonsense." Akmang tatalikod na ito ng muli ko siyang pigilan.
"Akala ko ba sasabihin mo sa akin kung bakit ang sungit mo sa akin?" Napaatras ako ng lumapit ito sa akin.
"Gusto mo talagang malaman?" Blangko ang mukha nito habang lumalapit sa akin. Ako naman paatras ng paatras, naiilang kasi ako.
"P-pauilit ulit?" Hanggang sa pader na ang nasa likod ko. Hinarang nito ang dalawang braso sa magkabilang gilid ko upang hindi ako makatakas. Walang masyadong mga taong dumadaan dahil ang hallway na iyon ay papunta sa C.R.
Unti unting lumapit ang mukha nito sa mukha ko na halos ikaduling ko.
"Dahil..."
"D-dahil...?"
Tumingin ito sa mata ko bago sumagot. "Dahil ang mga tipo mo ang pinaka ayoko sa lahat." Mabilis ito ng lumayo at pumasok na sa Mens Room.
Hanuraw? Hindi niya ako type? Nasaktan ang ego ko dun ah! Ang choosy ng lalaking ito. Ang sarap ibenta sa mga Arabo!