Krizzia's POV
"Hahahaha!" Grabe hindi ko mapigilan tawa ko sa binabasa kong libro.
"Hoy nababaliw kana." Sabi ni Labelle.
"Eh kasi... yung babae dito... hahaha... teka wait..." sorry pero hindi ko talaga mapigilan.
May binili kasing akong libro ang title ay My Husband Is A Mafia Boss. Umpisa pa lang puro tawa na ang ginawa ko.
"Huwag mo munang unahin ang tawa. Mukha ka ng napapraning diyan. Baka akalain ng ibang estudyante dito may taralets ka."
Nagbilang muna ako ng tatlo para at inayos ang sarili. "Ehem. Ok na." Pero kusang lumabas sa bibig ko ang pinipigilan ko tawa.
"Hay. Ewan ko saiyo, anu ba kasi iyan? Patingin nga." Hinablot nito ang libro sa akin.
"Okay, ganito kasi iyan. Yung girl kasi diyan parang tatanga-tanga. Try mo minsang basahin." Naglalakad kami sa hall way ng building papuntang classroom. Kinalkal ko ang bag ko.
"Asan na ba yun?" Hindi ko makita cellphone ko.
"Miss tabi!" Sigaw ng kung sino. Dahil hindi ko na gets kaagad nag angat lang ako g tingin. Yung eraser ng blackboard ang nakita kong palipad sa akin. Pero bago pa iyon tumama eh mabilis akong yumuko upang hindi ako tamaan.
"Muntik na ako dun." Napahawak ako sa dibdib ko. Mga lintik kasing mga estudyanteng iyun. Dito ba naman magbatuhan ng kung anu-ano.
Napansin niyang natahimik ang tao sa hallway. Napataingin din ako kay Labelle na tila natigilan na nakatingin sa likod ko.
"Hoy. Anung nangyari saiyo?"
Dahan dahan kong nilingon ang tinitignan nila sa likod ko.
Uh-oh. Si Chanyeol!
Madilim ang mukha nito at may kulay puti sa mukha pati sa sombrerong suot nito. Matalim ang tingin nito sa kanya.
O teka. Bakit ako? Hindi naman ako iyong bumato sa kanya ah.
"Halika ka na Lebelle. Iche-check ko pa kasi kung tama yung assigntment ko sa math." Hinila ko si Labelle dahil mukha tulala pa rin.
"Hoy kayong dalawa."
"Oy kayong dalawa daw," tinuro niya ang dalawang lalaking estudyanteng masasalubong nila.
"Kayong dalawang babae na may brown na bag."
Nagkunwari akong walang narinig.
"At may hawak na libro. Tinatawag ko kayo!" Halos um-echo sa buong school ang boses nito.
Napahinto na tuloy kaming dalawa ng tuluyan.
Siniko ako ni Labelle. Parang sinasabing 'lumapit ka na kasi.'
Ano? At bakit? Wala naman akong kasalan eh!
Umiling iling ako. Ayoko.
"Lumapit kayo dito." Panay ang siko sa akin ni Labelle pero ginagantihan ko lang din siya ng siko. Sikuhan kami.
"Bibilang ako ng lima. Kapag hindi kayo lumapit ako ang lalapit."
Edi bumilang ka.
"Isa."
"Halika na nga. Lumapit na tayo sa kanya." Bulong ni Labelle.
"Dalawa."
"Ayoko nga. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya." Bulong ko din.
"Tatlo."
Ang tagal njyang mag bilang. Tulungan ko na kaya.
"Apat."