(Eto yung part scene na inabangan ni Kai si Labelle sa labas ng C.R.)
Krizzia
"Hoy unggoy ka saan mo ko dadalhin?! Huwag niyo nga kaming pag kaisahan ng kaibagan ko!" Hinampas hampas ko ang braso nito.
"Aray! Aray--putek." Daing nito Chanyeol.
"Park Chanyeol!"
Huminto ito bigla. "Ang sarap palang pakinggan ng pangalan ko pag galing sa bibig mo." Nakangiting sabi nito.
"A-ano?"
"Pabayaan mo na silang dalawa, wala namang masamang gagawin si Kai sa kaibigan mo."
"Right. Kaya pala nung huling na ospital si Labelle kasalanan ng kaibagan mong negro!"
"Matagal na iyon. Hindi mo ba alam na nag kakamabutihan na sila ngayon?"
Alam ko. Pero hindi ko siyempre sasabihin sa iyo! Gusto ko sanang isigaw sa mukha nito.
"O bakit natahimik ka? Hindi mo alam noh? Nililigawan ni Kai ang kaibigan mo. Kaya kung ako sa iyo, huwag mo na silang intindihin. Ang intindihin mo ang panliligaw ko sa iyo."
"L-ligaw? Ano bang sinasabi mo?" Maang kong tanong.
"Tignan mo to. Huwag mong sabihing hindi mo rin alam na niiligawan kita? Aba! Aba!"
"K-kelan ka nanligaw? Panliligaw ba iyon g-ginagawa mo?" Kunway tanong ko.
"Krizzia." Mariing saway nito. "Hindi ka nakakatuwa." Naging seryoso na rin ang mukha nito.
"S-sino ba nag sabing may nakakatuwa--"
"Isa. Hahalikan kita." Banta nito.
"Aishh! Eh hindi ko naman talaga alam na panliligaw na iyang ginagawa mo." Inis na sabi ko.
He sighed. "Ngayon alam mo na. At bilang parusa diyan sa katangahan mo--"
"What?! Don't call me stupid!" Hinampas ko ito sa dibdib.
Napasighap ito at naubo. Bigla akong na guilty ng makita ang itsura nito. Napalakas ata ang pag hampas ko.
"S-sorry.. ikaw naman kasi eh!" Kagat labing sabi ko.
"Ako na naman? Grabe. Ako na nga iyong dinibdiban mo ako pa may kasalanan?" Hawak pa rin nito ang dibdib.
"Ikaw naman talaga.."
"Back to our topic. Sasama ka sakin next week. May pupuntahan tayo."
"Hindi pa ako pumapayag. At saka anong klaseng parusa iyan?!"
"Basta iyon ang punishment mo."
"Teka. Pag iisipan ko muna. Give me a week."
"Week? Next week na nga yung pupuntahan natin."
"Saan ba tayo pupunta?"
"Secret muna. Okay sige, hanggang friday. It means may apat araw ka pa para mag isip."
~~~
Akeisha
"Hello Akeisha..."
Nilingon ko ang taong tumabi sa akin. Nasa library ako at nag ri-research.
"K-KimAndrea..."
Ngumiti ito. "Huwag kang matakot. Hindi kita nilapitan dahil may gagawin akong masama sa iyo... ang totoo niyan... gusto kong mag sorry sa nagawa ko."
Nakayukong sabi nito habang pinaglalaruan ang I.D. lace niya.
"Ang totoo niyan, alam kong naging maldita ako. Pero pinag sisihan ko na iyon ngayon. Sana mapatawad mo ako.." hinawakan nito ang kamay ko.